top of page
Search
BULGAR

Lumalalang kaso ng hepatitis B and C

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | August 1, 2024


Be Nice Tayo ni Nancy Binay


Nitong July 28 ay nagdaan ang komemorasyon ng World Hepatitis Day.


Dumarami na ang kaso ng viral hepatitis hindi lamang sa bansa, kundi sa buong mundo.

Ayon sa 2024 Global Hepatitis Report ng World Health Organization, 304 milyong katao worldwide ang may hepatitis B at C noong 2022. May “rising trend” daw sa pagkamatay mula sa viral hepatitis, dahil bagama’t nagkaroon ng progreso sa pag-iwas sa hepatitis infection, kaunti lamang ang nada-diagnose at nagpapagamot.


Ang viral hepatitis na raw ang second leading cause of infectious death sa buong mundo. Nasa 1.3 milyon ang nasasawi mula sa sakit na ito kada taon, na kapareho na ng mga namamatay dahil sa tuberculosis.


Nasa 3,500 indibidwal naman ang namamatay araw-araw sa buong mundo dahil sa hepatitis B at C.


☻☻☻


Dito sa Pilipinas, umabot umano tayo sa 6.1 million hepatitis cases — 5.7 million hepatitis B, at 400,000 hepatitis C — noong 2022, na katumbas ng 2 percent ng worldwide infections sa taong iyon.


Nasa 1,045 kababayan natin ang namatay dahil sa viral hepatitis noong 2022, ayon sa Philippine Statistics Authority.


Batay naman sa Hepatology Society of the Philippines (HSP), nasa 7.3 million adult Filipinos ay chronically infected ng hepatitis B virus (HBV), na halos doble umano ng kaso sa buong Western Pacific region. 


Ang hepatitis B at C ay nagdudulot ng chronic disease sa milyun-milyong tao, at siyang pinaka-karaniwang sanhi ng liver cirrhosis, liver cancer, at iba pang viral hepatitis-related deaths.


☻☻☻


Mapanganib na sakit ang hepatitis, at marami sa mga kababayan ang humaharap sa banta nito.


Mahalaga na magkaroon ng access sa hepatitis testing, integrated prevention, care, at treatment services ang mga kababayan natin.


Kaugnay nito, ipinanukala natin ang Senate Resolution No. 1088 para maimbestigahan ang lumalalang kaso ng hepatitis sa ating bansa, lalo na para matukoy kung anong istratehiya ng pamahalaan upang epektibong maaksyunan ito.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page