top of page
Search
BULGAR

Lumalaban din sa insomnia at anxiety.. Andrea Brillantes, positibo sa COVID-19

ni Lolet Abania | October 9, 2021



Inamin ng aktres na si Andrea Brillantes na nahihirapan siya sa sakit niyang insomnia at anxiety dahil apektado ang kanyang mental health, nasabay pa ang paglaban niya sa COVID-19.


Sa isang interview ng King of Talk na si Boy Abunda, sinabi ni Andrea na siya ay asymptomatic habang ikinuwento nito ang mga pinagdaanan habang nasa isolation. Sinabi ng star ng “Huwag Kang Mangamba” na inuubos niya ang kanyang oras sa pagbabasa ng libro sa umaga pero nag-i-struggle naman siya sa gabi.


“Ang pinakamahirap po kasi para sa akin, I have insomnia and anxiety. Sa araw sobrang kaya ko naman lahat. Ginawa ko lang, I just read books. Pagdating po ng gabi, doon po ako nahihirapan,” sabi ni Andrea.


“Hirap po ‘ko makatulog. Ngayon po to be honest . . . takot ako mag-isa. Lapitin po kasi ako ng multo,” ani pa niya. Nang tanungin pa si Andrea tungkol sa kanyang insomnia, nai-share ng dalaga ang kanyang kondisyon na aniya, maaaring nagsimula ito ilang taon na ang nakakalipas kung saan ang kanyang body clock ay nag-iba sa mura pa niyang edad nu’ng pumasok na siya sa entertainment industry.


Kuwento ni Andrea, nakakaranas siya madalas ng mga nightmares at sleep paralysis. “Lagi po akong binabangungot. Lagi akong nagkaka-sleep paralysis. So, nagkaroon ako ng fear na matulog kasi may mga tao na nagkaka-heart attack sa pagtulog nila. Hindi na sila nagigising,” sabi pa ng aktres.


Subalit, si Andrea na agad humingi ng tulong sa mga doktor ay nagsabing ang kanyang isolation ang nagturo sa kanya ng maraming bagay, kung saan pinatunayan niya sa kanyang pamilya at mahal sa buhay na kaya na niyang mag-isa.


“Gusto ko ipakita sa kanila na kaya ko. Kaya ko mag-isa. Kakayanin ko kahit mahirap,” sabi ni Andrea. Ayon pa sa dalaga, kailangang i-practice natin ang tinatawag na “mind over matter” mindset.


“Huwag mo lang isipin. Ngayon ko lang nagawa ’yung treatment sa sarili ko ’pag ‘di ako makatulog, lagi ko lang iniisip, ‘No one’s gonna hurt you, Blythe.’ Kasi ako lang naman ’yung nag-iisip na may mananakit sa’kin. Pero wala naman talaga,” ani pa niya. “’Pag ‘di ko siya iisipin, it does not exist. It only exists when you think about it too much.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page