top of page
Search
BULGAR

Lumala man o bumuti, ‘wag pa ring magpakampante laban sa COVID-19

@Editorial | April 28, 2021



Taliwas sa naunang babala ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na posibleng makaranas ng surge sa gitna ng iba’t ibang variants ng COVID-19, sinabi naman ni Presidential adviser on entrepreneurship Joey Concepcion na mararanasan na ng Pilipinas ang kaginhawaan sa Hunyo.


Aniya, dahil ito sa pagdating ng mas maraming COVID-19 vaccines.


Kinumpirma na umano ng AstraZeneca ang pagdating ng 1.5 million doses na bakuna sa unang linggo ng Hunyo at may darating pang 17 milyon bago matapos ang taon hanggang sa Pebrero 2022. Habang ang Novavax vaccines naman ay darating sa August-September.


Pinaniniwalaang mas maraming bakuna, mas maraming matuturukan at mas bubuti na ang kalagayan sa bansa.


Kaugnay nito, tiniyak namang uunahin na ang pribadong sektor sa susunod na AstraZeneca vaccinations. Sa nasabing 17 milyong darating na bakuna, 11 milyon dito ang mapupunta sa lokal na gobyerno, tatlong milyon sa national government at ang natitirang tatlong milyong bakuna ay ilalaan na sa pribadong sektor.


Lumala o bumuti man ang sitwasyon sa Hunyo, tulad ng lagi nating paalala, huwag tayong magpakampante. Maling isiping tapos na ang krisis dahil sa pagdating ng mga bakuna.


Hangga’t walang lunas, hindi tayo dapat magtiwala. Sa halip, mas dapat tayong mag-ingat at maging disiplinado.

0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page