ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 15, 2025
Photo: Vilma Santos-Recto - IG
Successful ang unang araw ng Barako Fest 2025 na dinaluhan namin sa Lipa City, Batangas nu’ng Huwebes, Feb. 13.
Ang Barako Fest 2025 is a three-day festivities ng mga Batangueño na sinimulan nila two years ago.
Kasabay ng Barako Fest 2025 ang inaugural ng bagong bypass road sa Lipa City, Batangas. And at the same time, pormal na paghahayag na rin ng kandidatura ng dating Batangas governor at Lipa City mayor na si Vilma Santos, gayundin ang unang pagsabak sa pulitika ng kanyang mga anak na sina Luis Manzano na tatakbo for vice-governor ng Batangas at Ryan Christian bilang representative sa District 6.
Bago ang selebrasyon ng unang gabi ng Barako Fest 2025, nagkaroon ng media conference ang mag-iinang Vilma, Luis at Ryan kasama ang iba pang tumatakbong congressman ng Batangas at ang Angkas Partylist nominee na si George Royeca.
Dito na nagkaroon ng chance ang media na makunan ng opisyal na pahayag ang mag-iina sa ibinibintang na “political dynasty” na itatayo sa lalawigan ng Batangas ng pamilya ng Star for All Seasons.
Komento ni Ate Vi, “With all honesty, we don’t want to entertain that. We are here to serve, and people will judge us. That’s all.”
Napakalinaw naman ng explanation ni Luis on his thoughts about political dynasty.
“We submit ourselves to the electoral process and basta ang hatid namin ay paglilingkod na gusto naming ibigay sa mga Batangueño. Kung saan mapunta ang pangarap namin sa paglilingkod, kung saan gusto naming ilagay ang puso namin, nakasalalay sa botante ‘yun,” diin ni Luis.
And of course, may sey din si Ryan tungkol diyan.
Aniya, “Well, I think my brother said it perfectly naman. Yeah, we’re simply trying a hat in the ring. We’re here to be of service to the people, and ultimately, the choice will always be theirs.”
Natanong din si Luis kung ano sa palagay niya ang pinakamahirap na bahagi ng pagiging public servant.
Paliwanag niya, “Siguro the hardest part is, sa public service kasi, napag-usapan namin, alam naman natin na ‘di madali ‘yung general, na marami kang makakahalubilo. Marami kang makakausap.
“Pero ang pinakamahirap siguro is finding the balance para sa lahat ng gustong (gawin), kasi there are certain (people) na may hinihingi. Hindi ko pa narinig, may ilang sektor na ang humihingi ng assistance para sa kanilang proyekto.
“Para sa ‘kin, ang pinakamahirap is marami kang gustong gawin para sa mga Batangueño, to be perfectly honest, s’yempre, limitado ka rin sa budget mo.
“So, pinakamahirap ay susubukan mong i-satisfy lahat ng mga distrito, lahat ng mga barangay. Pero ang pinakamaganda is alam ko kapag magkakasama kami, hindi ako mag-isa na magseserbisyo sa mga Batangueño.”
‘Yun na!
SA nasabing event ay nakilala namin ang bagong P-pop girl group na Eleven11 na mina-manage ng Mentorque Productions ni Bryan Diamante a.k.a. Bryan Dy.
Isa ang Eleven11 sa mga performers sa Barako Fest last Thursday and on Saturday (Feb 15).
Ang name ng six girls ng Eleven11 ay sina Swaggy, Ivy, Barbie, EJ, Audrey, at Jade.
Si Swaggy ay sumali sa BPop Idol na pa-contest sa dating noontime show na Tahanang Pinakamasaya (TP).
Tinanong namin sila kung ano ang kaibahan nila sa ibang girl groups.
Sabi ni Ivy, “Our difference po from other girl groups is we are embracing each other’s authenticity. So, may kani-kanya po kaming strength, which is a good thing. Others are good in singing, others are so good in dancing, others are so good in rapping. So, I think this is what makes us unique as a group.”
Dagdag ni EJ, “And even our styling ay very different from other groups.”
Gusto raw nilang maka-collab si Sarah Geronimo, ayon kay Audrey, na kung hindi kami nagkakamali, isa sa grupo ay back-up dancer ni Sarah sa kanyang mga concerts.
Anyway, maganda ang paliwanag kung bakit Eleven11 ang name ng group. Pero may paliwanag din ang mga girls kung bakit ‘yun ang napiling name nila.
“Lahat po ng girls dito, eto po ‘yung ultimate dream namin, that’s why Eleven11, kasi this is us. Our dreams, naging totoo po,” esplika ni Ivy.
Most of them, kundi man lahat, ay members ng sikat na SB19 ang crush, like Stell. Kaya wish din nila siyempre na maka-collab ang SB19.
Abangan ang Eleven11 ngayong 2025.
Comments