ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 7, 2021
Lucky charm pala nina Wowowin host Willie Revillame at Queen of All Media Kris Aquino ang isa't isa.
Kung ang pagbabasehan ay ang kanilang birthdate at Zodiac sign, ayon sa resident numerologist namin dito sa BULGAR na si Maestro Honorio Ong sa guesting niya kahapon sa aming weekly online talk show na #CelebrityBTS Bulgaran Na na napapanood every Saturday at 11 AM sa Facebook page ng BULGAR, sobrang compatible sina Kuya Wil at Kris!
Sabi pa ni Maestro Honorio Ong sa amin ng aking co-host sa show na si Ate Julie Bonifacio, hindi naman kailangang magkaroon ng intimate relationship sina Kuya Wil at Kris para magkaroon ng kakaibang happiness, pero once na magsama sila, dahil swak na swak nga ang kanilang Zodiac sign na parehong Aquarius (Jan. 27 si Kuya Wil at Feb. 14 si Kris), tiyak na pareho silang susuwertehin sa anumang papasukin nila — mapa-negosyo, showbiz career and yes, kahit sa larangan ng pulitika!
Oh, 'di ba, ilang araw pa lang, napabalitang 'kinukumbinse' diumano ni Pangulong Rodrigo Duterte si Kuya Wil na ikonsidera ang pagtakbo sa 2022 elections dahil nakikita ng pangulo ang malaking puso ng TV host sa pagtulong sa mga kababayan natin.
Kaya bagama't una nang sinabi ni Kuya Wil na okay na siya sa pagtulong sa mga kababayan natin via his game show na Wowowin/Tutok to Win, tiyak na pinag-iisipan na rin ngayon ng TV host ang sinabi ng pangulo na "Leave your options open."
Aba, si P-Du30 na nga naman ang nagbigay ng tiwala kay Kuya Wil, ang hirap namang pahindian ng pangulo, ha?!
At kung sakaling makukumbinse nga siya — at dahil din lucky charm nga raw niya si Kris — hindi kaya mas magandang idea na magtambal silang dalawa sa 2022 elections since dati pa naman nang may mga nag-uudyok kay Kris na tumakbo sa pulitika?
Ang tanong lang, kung magkakaroon ng Willie-Kris tandem sa 2022 elections, sa ilalim ng anong partido kaya?
Open kaya ang kampo ng administrasyon sa ideya na isama si Kris sa kanilang partido?
Well, maitanong nga natin kay Sen. Bong Go! Char!
Comments