ni Lolet Abania | January 18, 2022
Nagbalik na ang operasyon ng Light Rail Transit-Line 2 (LRT2) bago magtanghali ngayong Martes matapos na pansamantalang isuspinde ito dahil sa naganap na sunog malapit sa Legarda at Pureza stations.
Sa isang tweet bandang alas-10:55 ng umaga, ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), “LRT2 operations is temporarily suspended due to a fire incident near the carriageway between Legarda and Pureza stations.”
Alas-11:03 ng umaga, in-update naman ng LRTA na nag-resume na ang kanilang operasyon.
“Train service is now available from Recto to Antipolo and vice versa,” pahayag ng LRTA.
Sa report ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region, sumiklab ang sunog sa Legarda Street sa harap ng Arellano University bandang alas-10:19 ng umaga.
Itinaas sa unang alarma ang sunog at idineklarang under control ng alas-10:46 ng umaga, habang tuluyang naapula ang apoy ng alas-10:53 ng umaga.
Comments