ni Lolet Abania | April 6, 2022
Suspendido ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) mula Abril 14 hanggang 17 dahil sa annual maintenance nito, ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC) ngayong Miyerkules.
“LRMC is set to conduct its annual maintenance activities to continuously provide safe and reliable transportation system. There will be a temporary suspension of LRT1 operations from 14 April (Maundy Thursday) to 17 April 2022 (Easter Sunday),” pahayag ng LRMC sa isang Facebook post.
Para sa kanilang natitirang Holy Week schedule, ayon sa LRMC, patuloy ang kanilang regular operating hours, kung saan ang first train ay bibiyahe ng alas-4:30 ng madaling-araw mula Abril 11 hanggang 13.
Ang last train naman mula Baclaran Station ay mag-o-operate ng alas-9:15 ng gabi, habang sa Balintawak Station ay hanggang alas-9:30 ng gabi.
Magbabalik sa normal operating hours ang LRT1 sa Abril 18.
Una nang nag-anunsiyo ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) management na ang kanilang train operations ay suspendido mula Abril 13 hanggang 17 para magbigay-daan sa kanilang annual maintenance at ang normal operations ay magpapatuloy sa Abril 18.
Comments