ni Mai Ancheta @News | August 17, 2023
Suspendido ang kalahating araw na operasyon ng Light Rail Transit-1 sa August 20 upang bigyang-daan ang gagawing upgrade sa signalling system at paglalagay ng bagong software baseline nito.
Ayon kay Light Rail Manila Corporation (LRMC) Chief Operating Officer Rolando Paulino III, magsisimula ang suspensyon sa operasyon ng LRT-1 mula 4:30 ng madaling-araw hanggang 11:59 ng umaga.
Layunin aniya ng upgrading na mapahusay ang kapasidad at serbisyo ng buong linya ng LRT-1 at mapahusay ang koneksiyon sa lahat ng mga train.
Ang upgrading, ayon sa opisyal ay bilang paghahanda na rin para sa Cavite Extension Phase 1.
Humingi agad ng dispensa ang LRMC sa mga pasahero na maaapektuhan ng gagawing upgrading ng LRT-1.
Comments