ni Mary Gutierrez Almirañez | May 25, 2021
Balik-normal na ang operasyon ng Light Rail Transit 2 (LRT-2), matapos ang isinagawang provisional service kahapon, ayon sa panayam kay LRT-2 Spokesperson Attorney Hernan Cabrera ngayong umaga, May 25.
Paliwanag niya, bilang paghahanda sa pagbubukas ng karagdagang istasyon sa Masinag at Marikina ay kinailangan nilang patayin ang signaling system ng Anonas, Katipunan at Santolan station para isagawa ang integration test.
Matapos ang integration test, binuksan muli ang signaling system ng mga istasyon, subalit nagkaroon ng technical problem sa signaling system ng Santolan station kaya kinailangan nilang ayusin buong araw.
Naayos ang signaling system kaninang ala-una nang madaling-araw, kaya nagbalik-operasyon ang LRT 2 ngayong alas-6 nang umaga.
Samantala, nakatakda namang maging operational ang Masinag at Marikina LRT-2 stations simula sa ika-22 ng Hunyo.
Sa ngayon ay mahigpit pa ring ipinatutupad ang health protocols sa lahat ng istasyon upang maiwasan ang hawahan ng COVID-19.
Comments