ni Jasmin Joy Evangelista | November 23, 2021
May abiso ang Light Rail Manila Corporation hinggil sa pansamantalang tigil-operasyon ng LRT-1 upang magbigay-daan sa isasagawang upgrade sa bagong signalling system nito.
Ayon sa inilabas na advisory ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), magsasagawa ng necessary tests at trial runs ang kanilang pamunuan at contractor nito sa LRT Line 1 sa November 28, 2021, January 23, 2022, at January 30, 2022 dahilan para pansamantalang suspendihin ang operasyon nito.
“We look forward to the many exciting developments lined up for LRT-1 in 2022. The migration to the new signalling system underscores LRMC’s commitment in modernizing the LRT-1 and delivering better service to our customers,” pahayag ni Enrico R. Benipayo, LRMC Chief Operating Officer.
Humihingi ng paumanhin si Benipayo sa mga maaapektuhang pasahero at siniguro naman nito na ang isasagawang aktibidad ay magiging kapaki-pakinabang para sa lahat, sa matagal na panahon.
Comments