top of page
Search
BULGAR

LPA, namataan sa Surigao del Norte — PAGASA

ni Lolet Abania | October 21, 2021



Namataan ang isang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Surigao del Norte kasabay ng nararanasang intertropical convergence zone (ITCZ) na nakakaapekto naman sa Palawan, Visayas, at Mindanao, ayon sa PAGASA ngayong Huwebes.


Sa daily weather bulletin ng PAGASA, bandang alas-3:00 ng hapon ngayong Huwebes namataan ang LPA na nasa layong 825 kilometro silangan ng Surigao City, Surigao del Norte. “It is embedded along ITCZ affecting Palawan, Visayas and Mindanao,” pahayag pa ng weather bureau.


Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms sa buong Caraga dahil ito sa ITCZ at LPA.


Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente sa naturang lugar na maghanda sa posibleng flash floods o landslides dahil sa severe thunderstorms.


Ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pagbuhos ng ulan o thunderstorms dahil sa ITCZ at localized thunderstorms.


Ayon pa sa PAGASA, posibleng magdulot ito ng mga pagbaha o landslides dahil na rin sa severe thunderstorms.


Samantala, ang Batanes at ang Babuyan Islands ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang pulo-pulo at mahinang pagbuhos ng ulan dahil sa tinatawag na northeasterly surface windflow.


Gayundin, katamtaman hanggang sa malakas na bugso ng hangin at katamtaman hanggang sa matinding coastal water conditions ang mararanasan sa buong Northern Luzon, habang mahina hanggang sa katamtamang bugso ng hangin at mahina hanggang sa moderate waters ang mararanasan naman sa natitirang bahagi ng bansa.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page