ni Lolet Abania | September 19, 2021
Isang low pressure area (LPA) ang namataan sa silangan ng Northern Samar na magdudulot ng mga pag-ulan sa bahagi ng Bicol, Quezon, Visayas, at Mindanao ngayong Linggo, ayon sa PAGASA.
Batay sa 5:00AM bulletin ng PAGASA, ang LPA na sinabayan pa ng intertropical convergence zone (ITCZ), ay huling namataan ng alas-3:00 ng umaga sa layong 125 kilometro silangang bahagi ng Catarman, Northern Samar.
Ayon pa sa forecast ng ahensiya, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog at pagkidlat sa buong Bicol, Quezon, Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Davao Region, at SOCCSKSARGEN. Ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng pulo-pulong pagbuhos ng ulan o thunderstorms sanhi ng ITCZ at ng localized thunderstorms.
Comentarios