top of page
Search
BULGAR

LPA, namataan sa Northern Luzon


ni Lolet Abania | June 20, 2021




Namataan ang isang low pressure area (LPA) na nasa 1,285 kilometro silangan hilagang-silangan ng extreme northern Luzon ngayong Linggo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Sa 24-hour forecast ng PAGASA, ang LPA ay namataan bandang alas-3:00 ng hapon.


“Wala itong direktang epekto sa anumang bahagi ng ating bansa at maliit ang tsansang maging bagyo, subalit patuloy tayong magmo-monitor at magbibigay ng update dito,” ayon sa video report ng meteorologist na si Chris Perez ng weather bureau ngayong alas-4:00 ng hapon.


Ayon pa sa PAGASA, ang Southwest Monsoon ay magdadala ng mga pag-ulan sa buong Northern at Central Luzon. Makararanas naman ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa buong Ilocos Region at mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan dahil din sa Southwest Monsoon.


Paalala ng PAGASA sa mga residente na maging handa sa posibleng flash floods o landslides sanhi ng katamtaman at kung minsan ay malalakas na buhos ng ulan.


Ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang pulu-pulong pag-ulan dahil sa Southwest Monsoon o localized thunderstorms. Ayon sa PAGASA, posibleng magkaroon ng flash floods o landslides dahil sa severe thunderstorms.


Makararanas din ang Northern at Central Luzon ng katamtaman hanggang sa malakas na bugso ng hangin at katamtaman hanggang sa maalong kondisyon ng coastal water.


Mahina hanggang sa katamtamang bugso ng hangin habang mahina hanggang katamtamang mga pag-alon ang mararanasan sa natitirang bahagi ng bansa.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page