top of page
Search
BULGAR

LPA, namataan sa Davao City — PAGASA

ni Lolet Abania | December 6, 2021



Namataan ang isang low pressure area (LPA) na malapit sa Davao City ngayong Lunes, ayon sa PAGASA.


Sa daily weather bulletin ng PAGASA, ang LPA ay natagpuan sa layong 735 kilometro silangan ng Davao City bandang alas-3:00 ng hapon ngayong Lunes.


Magdudulot ang LPA at ang tinatawag na shear line ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa buong Eastern Visayas, Northern Mindanao, Caraga, Davao Region, at Bohol.


Pinayuhan naman ng PAGASA ang mga apektadong residente na maghanda sa posibleng mga pagbaha o landslides mula sa katamtaman, at minsang malakas na pagbuhos ng ulan.


Samantala, ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, at ang northern portion ng Quezon kabilang na ang Polillo Islands ay makararanas ng maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon.


Ang Northeast Monsoon ay magdudulot naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang isolated light rains sa buong Metro Manila, natitirang bahagi ng Luzon, at natitirang bahagi ng Visayas.


Makararanas naman ang natitirang bahagi ng Mindanao ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang isolated rain showers dahil sa localized thunderstorms.


Posible ring magkaroon ng flash floods o landslides na idudulot ang matinding thunderstorms.


Gayundin, makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na bugso ng hangin at katamtaman hanggang sa maalon ang kondisyon ng coastal water sa buong Luzon, Visayas, at ang eastern section ng Mindanao.


Habang ang natitirang bahagi ng Mindanao ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang bugso ng hangin at bahagya hanggang sa katamtamang kondisyon ng katubigan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page