ni Madel Moratillo | June 25, 2023
Isang panibagong low pressure area (LPA) na kasalukuyang nasa labas ng bansa ang patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA).
Ayon sa state weather bureau, huling namataan ang naturang weather system sa layong 1,505 kilometers sa silangan ng Mindanao at nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Bagama't wala pang direktang epekto sa alinmang panig ng bansa ang nasabing sama ng panahon, hindi inaalis ng PAGASA na posibleng mabuo ito bilang bagyo sa mga susunod na araw.
“Hindi natin tinatanggal ‘yong tiyansa o posibilidad ng nasabing low pressure area na maging isang ganap na bagyo sa mga susunod na araw,” pahayag ni state weather forecaster Daniel James Villamil.
Comments