top of page
Search
BULGAR

LOVI: OKS LANG MABALIW SA PAG-IBIG BASTA SA TAMANG TAO

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | July 21, 2021



Sa digital mediacon ng Vivamax film titled The Other Wife na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Joem Bascon at Rhen Escano sa direction ni Direk Prime Cruz ay natanong ni yours truly ang mga said celebs ng “Nakakabaliw ba ang umibig at magmahal nang wagas, dalisay at sobra-sobra?”


And the following ay ang kanilang naging kasagutan…


“Ah, siguro po…opo…kasi bilang tao, mararamdaman natin minsan or mare-realize natin minsan na marami tayong pagkakamali pagdating sa love and I guess, 'yun 'yung nakakabaliw na part at na-realize natin eventually na may mga mali tayong nagawa.


“Pero at the same time, masarap din naman pong mabaliw sa pag-ibig, eh. Pero in a good way…sa tamang paraan… sa tamang tao… So, kung mararanasan mo sa buhay na nagpakabaliw ka sa love…nagkamali at umibig ka nang sobra at nabaliw ka, at least, mapi-feel mo talaga na tao ka. At para sa akin, wala naman pong masama ru'n,” ang katwiran nitong si Rhen na ang role sa The Other Wife ay bilang si Luisa na naging kababata ni Joem bilang si Ronnie na dyowa or husband ni Lovi Poe as Janis (hindi po Navida, charrrr, hahaha!), na nagbakasyon sa isang beach house na wala sa isip nito na darating din du'n si Rhen and boom, du'n na magsisimula ang mga nakakabaliw nilang eksena na may kinalaman of course sa pag-ibig.


'Yun na!


“Ako…para sa akin, nakakabaliw po talaga ang magmahal nang sobra. Pero masarap po kasi 'yung mga… masarap 'yung experience, kasi ang dami mong matututunan.


“Siguro, kapag nagma-mature ka na or nagkakaedad ka na, masarap 'yung experience na alam mo 'yun, napagdaanan mo siya, tapos matatandaan mo 'Ay, eto 'yung mga pinaggagagawa ko nu'ng sobrang baliw na baliw ako sa dati kong partner.' So I guess, negative or positive man 'yung nagawa mo 'pag in time looking back, masasabi mo sa sarili mo na…at least, parang ang dami mong crazy things na nagawa nu’ng umibig at nagmahal ka nang sobra.


“And I think, it’s worth the experience. 'Yung mabaliw ka kapag nagmamahal ka nang sobra,” masayang katwiran naman ni Joem.


Si Lovi naman, “ Ahh, it’s like what Rhen and Joem said… it happened, 'di ba? Sometimes you really fall in love pero may positive saka negative side naman po 'yun.


“Usually, it’s nice to be crazy in love but sa tamang tao. I mean, there are some kinds of crazy in love and dapat, not on a negative side. 'Yun po. Exactly lang 'yung mga sinabi nina Rhen at Joem,” sey ni Lovi.


And Direk Prime?


“Ako po, parang sa paggawa lang ng pelikula 'yan, eh. If it doesn’t meant for you, not meant to be.”


Ah, ok. 'Niwey natanong uli ni yours truly si Rhen Escano ng… “Nasabi mo kanina, Rhen, na sa love, may mga dapat isakripisyo. Now do you believe in the saying that (FYI lang po, itong tanong na itey, naging curious noon si Kris Aquino nang minsan sa isang preskon nila ni Kuya Boy Abunda sa Kapamilya Network ay naitanong ko sa kanila and after the preskon ay ipinatawag pa ako ni Krissy at tinanong kung saan ko raw nakuha ang ganitong tanong at tipong nalurkey si Krissy nang sabihin ni yours truly na sa larong TONG-ITS…insert smiley, ☺!) SACRIFICE IS THE KEY TO PARADISE?


“Hahaha! Depende po siguro sa tao, Tita. Pero para po sa akin kasi, du'n ko po napapatunayan 'pag nagmamahal po ako nang totoo or nang sobra, kailangan, may i-sacrifice ka. Hahaha! 'Di ko po alam kung nasagot ko nang tama ang tanong n'yo (with matching smiley face)."


Well, marahil nga, kung minsan, tipong nakakabaliw ang umibig at magmahal nang sobra-sobra lalo na at may saying pa in English only, please that goes… "Anything that is too much is dangerous.”


Pak and swak, devah naman, mga nabaliw na lovers diyan?


If you agree, then spin a win. Insert smiley, ☺!


One thing more, sa trailer pa lang ng The Other Wife ay nakakabaliw na kasi biglang naging suspense thriller.


Boom! 'Yun na! 'Yun lang and I thank you.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page