ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | August 8, 2022
Starring sa IWantTFC show na Sleep with Me na may 6 episodes sina Lovi Poe at Janine Gutierrez. Tumatalakay ito sa lesbianism na magsisimula na this coming August 15, 2022.
Aminado sina Lovi at Janine na wala silang karanasan sa lesbian. Weeehhh, ‘di nga? Charot lang! Hahaha!
Pero wala silang nakikitang masama sa mga pumapasok sa ganitong klaseng relasyon.
“But yeah, I don’t think there’s anything wrong with that. I mean if you like someone, you like someone you know. Love is love. You don’t have to categorize it,” pahayag ni Lovi sa media conference ng girl series nila ni Janine Gutierrez na Sleep with Me.
Agree naman si Janine na walang masama sa ganu’n at naranasan nila ito nang gampanan ang character nina Harry at Luna.
Bukod sa relasyon, tinatalakay din sa Sleep with Me ang disabilities ng dalawang miyembro ng LGBTQ.
Si Lovi ay may sleeping disorder, habang naka-wheelchair naman ang character ni Janine.
Dagdag pa ni Lovi, “Kung ang isang relasyon ay good for you and at the end of the day, kung ang taong iyon ang nag-angat sa iyo, nagpapasaya sa iyo, you know it’s not toxic relationship, you become a better person because of your partner, then that’s the person.”
Korekek!
Nu’ng dekada ‘70s nga, ang daming big stars na pumatol sa katomboyan na belong din sa showbiz world, ‘noh!
No mention na lang ng names. Mahirap nang mademanda ngayon na halos lahat ng working in showbiz ay walang raket or regular income. Ayaw ni Michael Mael, ‘yun na!
Insert smiley, 😊! O, walang bukingan, ha! Past is past na and a secret is a secret, boom ganern!
Huwag nang mag-comment please!
Ang Sleep with Me ay written and directed by Samantha Lee, na nauna nang nanalo ng Audience Award for Best Episodic sa 40th Outfest Los Angeles LGBTQ+ Film Festival.
Comments