ni Ambet Nabus @Let's See | June 4, 2024
“PUWEDE naman kaming mag-duet ni Kim,” hirit ni Paulo Avelino nang tuksuhin siyang umawit ng isa pa sa grand launch ng Hello, Melo beauty drink under Brilliant Medical Group.
Isa nga si Paulo sa mga endorsers ng naturang clinic alongside Arci Muñoz and this time, duda nga ng marami na kaya kinuha na si Kim Chiu ng kumpanya ay para lalong mag-ingay ang brand.
Sayang nga naman ang solid tandem ng KimPau (Kim at Paulo) kung hindi pa sila magkakasama sa ganitong endorsement. Besides, mataas talaga ang demand for them.
Kaya naman super thankful si Kim sa support nina Paulo at Arci at dahil si Kim nga siya, dapat ay higit na bongga ang pagpapakilala sa kanya.
Halos nasa isang libong distributors ang dumalo sa launch ng bagong produkto ng kumpanya mula NCR, Luzon, Visayas at Mindanao, kaya’t higit itong naging espesyal.
Namudmod din ng bonggang prizes ang company ni Ms. Glenda, from gift checks to cash prizes at brand new cars para sa kanilang mga distributors at resellers.
Comments