top of page
Search
BULGAR

Love na love talaga ang madir… DANIEL, LUXURY WATCH ANG 50TH B-DAY GIFT KAY KARLA

ni Beth Gelena @Bulgary | Nov. 28, 2024



Photo: Karla Estrada at Daniel Padilla - Instagram


Mapagmahal na anak talaga itong si Daniel Padilla.


Nag-birthday ang ina niyang si Karla Estrada, hindi niya nakalimutang regaluhan ito ng expensive watch para sa 50th birthday ng TV host.


Sa Instagram (IG) post ni Karla ay ibinahagi niya ang photos at videos ng kanyang birthday celebration kung saan naroroon ang kanyang pamilya at mga kaibigan.


Sa isang photo ay makikita si Deejay na isinusuot kay Karla ang nasabing relo.

Meanwhile, may upcoming teleserye sa Kapamilya Network si Daniel kasama si Richard Gutierrez, ang Incognito, kung saan sa Italy pa nila ito kinunan. Kaya walang katotohanan ang tsika na pinababayaan ng Kapamilya ang actor. Early this year ay nag-renew ng kontrata ang actor kasama ang ina.


Samantala, ang ama ni Deejay na si Rommel Padilla ay nakaagapay sa anak nang maging down ang aktor.


Nagpapasalamat siya na kahit maraming namba-bash sa anak nang maghiwalay sila ng girlfriend na si Kathryn Bernardo ay matapang nitong tinanggap ang lahat.


Ani Rommel, “I’m very thankful sa Poong Maykapal. Walang guhit ang pasasalamat sa pagiging mabuti n’yang anak, mabuting kaibigan.


“Ang buhay ngayon, nararamdaman natin ang ups and downs, [but] at the end of the day, ang makakasama mo talaga is pamilya mo and tunay na kaibigan.


“Nagpapasalamat ako para sa mga taong tumindig [para] kay DJ, noong panahon na siya’y nasa ibaba. Doon naman sa hindi kami binigyan ng katahimikan, sana matapos na lahat ‘yun,” wika pa ng ama ng actor.


 

Hirit sa mga kapwa artista… JOHN: KUNG MAGPU-PULITIKA KAYO, ‘WAG PARA YUMAMAN



Guest ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ang actor na si John Arcilla. Na-tackle sa interview ang tungkol sa pulitika.

Ayon sa award-winning actor, marami umanong lumalapit sa kanya para tumakbo sa pulitika.


Aniya, “Lahat ng tao ay may karapatan na tumakbo sa pulitika at maging opisyal, kesyo artista ka o hindi artista.


“Pero, ang tanong, bakit ka nand’yan at pupunta sa pulitika? Para ba talaga maglingkod o para yumaman dahil wala kang pinagkakakitaan? 


“Ke artista ka o hindi, tanungin mo ang sarili mo, ‘wag kang magsinungaling. Kasi kung para lang ‘yan sa pera, mali ka agad.


“Kasi ang pulitika o pagiging opisyal ng bayan ay para maglingkod. ‘Pag yumaman ka raw na nasa pulitika ka o gobyerno, hindi ka naglilingkod. Dapat malinaw sa ‘yo ‘yan,” pagdidiin niyang sabi.


Patuloy pa ni Arcilla, “So ke artista ka o hindi ka artista, lalo na artista ka na ganu’n nga ang sinasabi sa ‘yo, mas i-define mo sa sarili mo kung totoo bang paglilingkod ang iyong gustong mangyari, kung bakit ka nand’yan. Kung hindi rin lang, ‘wag mo nang ituloy.”


Sinabi rin niyang marami ang nag-iimbita sa kanyang tumakbo sa public office, peto tumanggi raw siya.


“Nakarating ako sa edad na ito na tinanggihan ko lahat ng invitation sa ‘kin,” balik-tanaw niya. 


“Nakarating ako sa edad na ito na napanindigan ko ‘yan at kung ako man ay magkakainteres sa pulitika ngayon, wala na akong stamina sa edad kong ito,” pagtatapos niyang sabi.


 

Last November 24 ginanap ang Star Magical Christmas Ball ng ABS-CBN.

Pero hindi lahat ng mga may karelasyon ay um-attend sa Christmas Ball na kasama ang kanilang boyfriend o girlfriend, tulad ng young actress na si Xyriel Manabat na solong nagpunta sa event gayung alam ng lahat na may boyfriend siya.


Even Barbie Imperial, kaya nagtataka ang ilan kung bakit ‘di nito ka-date ang nali-link sa kanyang si Richard Gutierrez.


Ang aktor na si Joshua Garcia ay hindi rin kasama ang girlfriend na si Emilienne Vigier na isang Filipina-French. Mag-isa ring naglakad sa white carpet si Gerald Anderson without Julia Barretto, ang kanyang girlfriend.


Anyway, solo mang um-attend ang mga stars na nabanggit, hindi naman ibig sabihin ay may hindi pagkakaunawaan ang mga ito sa kanilang mga partner. Kaya huwag nang intrigahin ang love life nila, lalo na ang JuRald (Julia at Gerald).

0 comments

ความคิดเห็น


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page