ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Oct. 4, 2024
Sa last day ni Heart Evangelista sa Paris Fashion Week (PFW) ay pinaligaya niya ang mga street photographers and videographers na walang sawang nag-aabang sa kanya at sa iba pang celebrities para makakuha ng photos and videos.
Makikita sa ipinost na videos and reels ni Heart sa kanyang Instagram (IG) na namigay siya ng coffee, pastries and bracelet sa sandamakmak na mediamen na nasa labas ng venue.
Mapapanood na tuwang-tuwa ang mga ito at abut-abot ang pasasalamat kay Heart. Sey pa ng isa, maghapon na nga raw silang nagtatrabaho at gutom na sila.
“Love you guys, thank you for always making me feel appreciated. To all the street style photogs, rain or shine, summer or winter, you have my heart - I would stop everything I do just to get the shot you need, you guys are the real fashion heroes,” mensahe ng pasasalamat ni Heart.
Last year ay namigay naman ng coffee and donuts si Heart sa mga street photographers at mga videographers.
Samantala, mapapanood din sa video na naging emosyonal si Heart Evangelista sa kanyang last day sa Paris.
Umiiyak na sabi ng aktres, “Kaya ako umiiyak kasi kanina, nagdasal ako na sana okey lahat kasi nag-pictorial ako dati dito, iba ‘yung mga kasama ko.”
Kung sino ang tinutukoy niyang mga kasama niya before ay hindi na niya sinabi.
MAS maraming Pilipino ang patuloy na tumututok sa mga teleserye ng ABS-CBN matapos basagin ng Lavender Fields (LF) at Pamilya Sagrado (PS) ang online viewership records nila sa Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) nitong Miyerkules (Oktubre 2).
Nakamit nga ng LF ang bago nilang all-time high peak concurrent views na 657,514 matapos pakinggan ni Zandro (Albert Martinez) ang paliwanag ni Jasmin (Jodi Sta. Maria) tungkol sa kanyang pagtatago sa katauhan ni LF at sa pagpapatakas dito mula kina Iris (Janine Gutierrez).
Samantala, panibagong milestone rin ang nagawa ng PS bilang kauna-unahang primetime serye sa ikatlong slot na makaabot ng lagpas 300,000 peak concurrent views.
Nakakuha ang serye ng 307,369 peak views nang abangan ng manonood ang unang pagkikita nina Rafael (Piolo Pascual) at Moises (Kyle Echarri) matapos malaman ng dating presidente na anak pala niya ang huli.
Makikilala rin ng manonood ang mga bagong karakter na aabangan nila sa serye na sina Ketchup Eusebio, Argel Saycon, Zeppi Borromeo, Marela Torre, Ross Pesigan, Junjun Quintana, at Ryan Eigenmann.
Hindi naman pinalalampas gabi-gabi ng mga viewers ang maaksiyong eksena sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) na may pinakamataas na all-time high concurrent viewership record na 729,234 views lalo pa at nanganganib ang buhay ni Tanggol (Coco Martin) sa kamay ni Facundo (Jaime Fabregas) at ang inaabangang paghihiganti ng mga Montenegro sa mga Caballero.
Comments