ni Thea Janica Teh | November 18, 2020
Nilinaw ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi gumamit si Vice-President Leni Robredo ng government plane papuntang Catanduanes upang mamahagi ng relief goods. Humingi rin ito ng pasensiya kay VP Leni matapos maglabas ng pahayag si Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo na nakatanggap umano ito ng text message kay Lorenzana na naglalaman ng maling impormasyon.
“I requested the Philippine Air Force to confirm through their flight manifest and they reported that there was no instance that Vice-President Robredo boarded any military aircraft in going to Catanduanes,” bahagi ni Lorenzana.
Samantala, sinabi rin nito na nagkaroon ng misyon ang Air Force UH-1H helicopter na nagdala ng relief goods sa Catanduanes galing sa opisina ni VP Leni noong Nobyembre 3.
Nitong Martes, sinabi ng kampo ni Robredo na nagkakalat ng “fake news” si Panelo at nilinaw na hindi nito ginamit ang C-130 sa pagdadala ng relief goods.
Ayon naman kay Panelo, humingi na rin umano ito ng pasensiya at nilinaw na hindi totoo ang una niyang sinabi. Bukod pa rito, sinabi rin nito na ang naging reaksiyon niya ay sariling opinyon lamang.
Comments