top of page
Search
BULGAR

Loren Legarda inendorso ng Pampanga mayors sa pagka-senador

ni Jasmin Joy Evangelista | February 24, 2022



Pinasalamatan ni Senatorial candidate Loren Legarda ang Pampanga Chapter of the League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa pag-endorso sa kanya sa pagka-senador.


“The support that you are giving me now boosts my morale,” ani Legarda sa LMP-Pampanga Chapter online meeting.


“(It) inspires me even more to continue the brand of leadership that is compassionate, pro-people, and efficient with zero tolerance for corruption,” dagdag niya.


Ayon kay LMP-Pampanga President at Minalin Mayor Edgar Flores, na siyang nagsalita para sa 14 mayors na dumalo, suportado nila si Legarda dahil ang mga accomplishments nito bilang isang legislator ay nakatulong para sa mga Kapampangan.


Si Flores ay siya ring Vice President ng LMP sa Region 3.


“Kayo po ay masipag, magaling at madaling lapitan at hindi pa man kami lumalapit ay alam na ninyo kung paano kami matutulungan. Hindi po kami magdadalawang isip na kayo ay suportahan dahil nararapat po kayong bumalik sa Senado para mas marami pa po kayong matulungan,” aniya.


Bilang congresswoman nag-iisang distrito ng Antique, nakapaghatid din ng tulong si Legarda sa lalawigan ng Pampanga sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE) TUPAD program na nagbigay ng emergency employment para sa mga displaced workers at unemployed.


Naglaan din siya ng pondo para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang matulungan ang mga Kapampangans na nangangailangan ng burial services, medical aid, at financial support.


Nakapaglaan din si Legarda ng Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP) sa pamamagitan ng Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital, isang Department of Health (DOH)-retained hospital sa San Fernando, Pampanga.


“I am very thankful for your trust, and I am looking forward to working with all of you,” ani Legarda.


“Together, let us ensure that national government programs, especially for livelihood, employment, health, and education, are brought closer to the people,” dagdag niya.

0 comments

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page