top of page
Search
BULGAR

Lomachenko, mas panig sa tikas ni Spence kaysa kay Pacman

ni Gerard Peter - @Sports | June 29, 2021




Hindi maitatanggi ni dating two-time Olympic gold medalist at three-division World champion Vasyl “Loma” Lomachenko ng Ukraine na napakahalagang agwat ang edad, lakas at kakayanan pagdating sa magiging tapatan sa pagitan ng nag-iisang eight-weight division titlist Manny “Pacman” Pacquiao at unified IBF/WBC welterweight title holder Errol “Truth” Spence sa Agosto 21 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.


At tila sa madaling salita, mas pumapanig ito sa mas batang si Spence para sa nakatakdang 12-round unification battle na tinitignang pinakamalaking laban ng 31-anyos mula Dallas. Texas.


“Very interesting fight, very interesting fight. But, I don’t know about result because age, too young, too strong, too skilled, but I think age,” wika ni Lomachenko sa ESNEWS ng matanong hinggil sa bakbakang Pacquiao (62-7-2, 39KOs) at Spence (27-0, 21KOs).


Ipinaliwanag ni Loma na may nakikita itong bentahe pabor kay Spence dahil sa mga nabanggit na kadahilanan, habang halos dalawang taong hindi sumasabak sa laban ang 42-anyos na “Champion in Recess” ng WBA (super) matapos mapagwagian ang titulo noong Hulyo 20, 2019 laban kay Keith “One Time” Thurman sa pamamagitan ng split decision victory sa MGM Grand sa Las Vegas.


Huling sumagupa si Spence laban kay Danny “Swift” Garcia nung Disyembre 5, 2020 sa AT&T Stadium sa Arlington, Texas na nagawang dominahin ang buong 12-round battle para makuha ang unanimous decision victory. Malaki naman ang naging papel ni Pacman sa pagtulong sa bansa sa pagalalay sa pakikipaglaban ng Pilipinas sa mapamuksa at mapanganib na coronavirus disease (Covid-19) pandemic bilang Senador, kaya’t naatasan ng pamunuan ng WBA na ilipat ang korona nito kay Yordenis “54 Milagros” Ugas ng Cuba.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page