top of page
Search
BULGAR

Logo ng FIBA World Cup pormal nang inilabas

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 6, 2020





Pormal na inilabas ng FIBA ang opisyal na disenyo ng logo na gagamitin para sa susunod na FIBA World Cup na gaganapin sa Pilipinas, Japan at Indonesia mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10, 2023. Ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng pinakamalaking torneo sa buong daigdig ay hahatiin sa tatlong bansa at ang logo ay simbolo ng kanilang pinagsamang pagmamahal para sa Basketball.


Ang logo ay binubuo ng tatlong mahalagang elemento – ang puso, ang Naismith Trophy at ang mga numerong dos at tres. Gamit ang mga kulay na pula, puti at bughaw na siya ring karaniwang kulay ng uniporme ng tatlong punong abala.


Sino ang hindi makakalimot sa sigaw na “Puso” ng Gilas Pilipinas na bahagi na ng kultura ng Pinoy Basketball. Ang Naismith Trophy ang inaasam na maiuwi ng lahat ng 32 kalahok na bansa habang ang dos at tres ay para sa taong 2023.


“The Philippines looks forward to extending our brand of hospitality to the participating teams, to the World Congress delegates and the many visitors expected to come,” wika ni Manuel V. Pangilinan, Samahang Basketbol ng Pilipinas Chairman Emeritus at kasapi ng makapangyarihang FIBA Central Board. “Our President Rodrigo Roa Duterte expressed his support to make the FIBA World Cup an unqualified success and turn this event into a proud and dignified moment for our country.”

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page