ni Beth Gelena @Bulgary | Mar. 18, 2025
Photo: Liza Soberano - IG
Ibinahagi ni Ogie Diaz na mahal pa rin ni Enrique Gil ang ex-girlfriend na si Liza Soberano.
Ibinunyag ng dating manager ng aktres na nakakaramdam pa rin ng kilig si Enrique tuwing nakakatanggap ng mensahe mula kay Liza.
Ayon pa sa former manager ng aktres, may bago nang pag-ibig si Liza, si Jeffrey Oh.
Matatandaan na maraming proyekto ang pinagsamahan ng LizQuen tandem, at naging magkasintahan din sila sa totoong buhay. Subalit, nagtapos ang kanilang onscreen partnership nang magdesisyon si Liza na ituloy ang kanyang Hollywood career matapos magpaalam kina Ogie at Star Magic ng ABS-CBN.
Bagama’t maraming haka-haka tungkol sa hiwalayan ng LizQuen, walang direktang kumpirmasyon o pagtanggi mula kina Liza at Enrique.
Noong Disyembre, 2023, naiulat na sa isang “unreleased interview” na inamin ni Liza ang kanilang paghihiwalay na naganap noong 2022 pa, bago pa man naghiwalay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Sa kabila ng mga balita ng hiwalayan, sinabi ni Enrique sa ilang panayam na magkasama pa rin sila ni Liza.
Noong Pebrero, lumabas ang mga bali-balitang may paparating na proyekto para sa tambalan nina Liza at Enrique.
Ayon kay Ogie, magdiwang lang ang mga tagahanga kapag nagsimula na ang shooting dahil minsan nga, kahit nasimulan na ang proyekto, bigla pang nase-shelve o ‘di natutuloy.
Nag-collab ang SB19 member na si Stell at ang Pop Royalty na si Sarah Geronimo sa dance video to the tune of DAM song ng grupo.
Caption ng SB19 member sa IG post nito: “Si Tala at si Lataratara.”
Samantala, ang SB19 will go on a world tour in support of their upcoming EP Simula at Wakas.
Ang kickoff concert ay gaganapin sa Philippine Arena sa May 31 kung saan soldout na ang tickets.
Last week, na-hit ng grupo ang number one sa Billboard World Digital Song Sales chart para sa DAM.
DAM is the P-pop group’s second song to appear on the chart, following their smash hit Gento which debuted and peaked at number eight in June, 2023.
Ang SB19 ay nag-iikot sa 18 cities ng Asia Pacific, Middle East, at North America para sa Simula at Wakas World Tour.
Timbang, bumagsak na ng 36 kilos… KRIS, ‘DI NA MAKALAKAD, BINUBUHAT NA LANG NI BIMBY
ISHINARE ni Kris Aquino sa kanyang Instagram (IG) na ang in-inject na steroid sa kanyang tuhod ay sobrang sakit. Kinailangan pa raw siyang buhatin ni Bimby.
Aniya, “I cannot walk, each step is agony.”
Nagbigay din siya ng update hinggil sa kanyang timbang na bumaba umano ng below 80 lbs. (36 kilograms).
Aniya, “Last night, my rheumatologist tried ultrasound-assisted targeted steroid shots on my knees… My body reacted the same way I did when we tried 34 months ago the steroid challenge.
“Bimb is now doing MMA training and I weigh less than 80 lbs, only 36 kilos. I cannot walk, each step is agony. The excruciating pain is from my knees all the way to my feet, a combination of deep bone pain.”
Commenti