top of page
Search
BULGAR

Lisensyadong nars, dapat unahing mabigyan ng trabaho

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | June 22, 2023



Plano raw ng Department of Health na payagan ang mga hindi lisensyadong nursing graduates para tugunan ang kakulangan ng nurse sa mga pampublikong ospital.


Ayon kay newly-appointed Sec. Teodoro Herbosa, papayagan daw nila ang mga nursing graduate na hindi pumasa sa board exam na may grade na 70-74 % na magtrabaho sa mga public hospital.


Bibigyan sila ng temporary license at magtatrabaho under supervision.


Ayon kay Herbosa, temporary solution lang daw ito.


☻☻☻


Tunay ngang problema ang kakulangan ng mga nurse sa public hospitals.

Nabigyang-diin ito noong kasagsagan ng pandemya at nanawagan tayo na gamitin ang mga fresh nursing graduates at iyong mga katatapos lang ng board exams upang makapagpahinga ang mga over-fatigued nating medical frontliners.


Ngunit bago ituloy ng DOH ang plano nito, sana magkaroon muna ng komprehensibong pag-aaral.


Mahalagang makinig ang DOH sa sektor at magkaroon ng malalimang konsultasyon kasama ang mga allied sectors sa medical field.


☻☻☻


Ang pinaka-practical na maaaring gawin ay i-prioritize ang pag-empleyo sa mga lisensyadong nurse na walang trabaho subalit handa nang magserbisyo para maisaayos din ang working hours ng mga overworked nating nurses.


At sana, hindi piecemeal o bara-bara ang approach natin sa pagtugon sa iba’t ibang isyu ng health sector.


Umaasa tayong maglalatag ng malinaw at kongkretong programa ang DOH para maitaguyod ang kapakanan ng ating mga health care workers.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page