top of page
Search
BULGAR

Liquor ban sa Parañaque, start bukas

ni Lolet Abania | August 1, 2021



Sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Parañaque City ang pagbebenta ng alak at iba pang alcoholic beverages sa susunod na tatlong linggo kasabay ng pagsasailalim sa Metro Manila sa mahigpit na quarantine restrictions.


Sa isang advisory na inilabas ng Parañaque government na nai-post sa social media ni Mayor Edwin Olivarez, ang serbisyo at pagbebenta ng alak at iba pang nakalalasing na inumin ay ipinagbabawal sa lahat ng establisimyento sa lugar simula Agosto 2 hanggang 20, 2021.


Una nang inanunsiyo na ang Metro Manila ay isinailalim sa general community quarantine (GCQ) “subject to heightened and additional restrictions” mula Hulyo 31 hanggang Agosto 5, 2021.


Kasunod nito ang pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) na magsisimula naman mula Agosto 6 hanggang 20, 2021. Gayunman, sa kasalukuyang GCQ with heightened and additional restrictions ay ipinagbawal na ang indoor at al fresco dining, habang sa ECQ, ang papayagan lamang ay essential trips at services.


Nabuo ang desisyon na muling ipatupad ang mahigpit na quarantine restrictions matapos na ang Metro Manila Council ay makipagpulong sa Inter-Agency Task Force against COVID-19 (IATF) para maproteksiyunan ang lahat at maiwasan ang pagkalat pa ng nakamamatay na sakit.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page