ni Eli San Miguel @Entertainment | September 8, 2024
Nagbabalik ang bandang Linkin Park na may bagong lineup at nag-debut ng kanilang unang bagong musika mula nang pumanaw ang kanilang lead singer na si Chester Bennington noong 2017.
Nitong nakaraang Huwebes lamang, sinimulan ng banda ang isang livestream na ipinapakilala ang bagong singer na si Emily Armstrong at drummer na si Colin Brittain. Sila ang makakasama sa mga dating miyembro na sina Mike Shinoda, Brad Delson, Phoenix, at Joe Hahn sa bagong lineup ng Linkin Park.
Sina Shinoda at Armstrong ay parehong magkakaroon ng vocal roles. Ang bagong lineup ay nag-debut ng bagong single na “The Emptiness Machine” sa simula ng livestream. Inanunsiyo rin ng bagong Linkin Park ang bagong album na “From Zero” na ilalabas sa Nobyembre 15.
Isa sa pinakamatagumpay na grupo noong 2000s ang rock-rap band, sa tulong ng boses ni Bennington. Sa edad na 41, siya ay namatay sa 'suicide' matapos ang paglabas ng huling album ng grupo na "One More Light."
Commenti