top of page
Search
  • BULGAR

Linis-linisan pa raw, Vice kinalaban makasawsaw lang… NIKKO, TINAWAG NA MANYAK AT BASTOS DAHIL SA MGA POST SA YOUTUBE

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | June 9, 2024



File photo showbiz

Nabasa lahat ni Hashtags member Nikko Natividad ang bashing sa kanya ng mga supporters ni Vice Ganda na ipinatatanggal siya sa FPJ’s Batang Quiapo dahil sa ginawa niyang pagpuna sa It’s Showtime host tungkol sa eksena sa Expecially For You segment.


Muling nag-post si Nikko sa kanyang Instagram account kung bakit siya naglabas ng opinyon dahil naranasan nga raw niya ang na-bully at ilang beses siyang umiyak.


Aniya, “For the last time na magsasalita ako tungkol sa nakaraan kong post. Unang-una sa lahat, hindi ako nagsisisi na nagsalita ako ng sarili kong saloobin. Hindi ako nagsisisi na ipagtanggol ang ibang tao.


“Nababasa ko ang mga komento n’yo sa 'kin at ang gusto n’yo, mawalan ako ng trabaho dahil lang sa naglabas ako ng sarili kong saloobin. (Na alam ko na posibleng mangyari).”

At dito nabanggit ng aktor ang dinaanan niya sa programang It’s Showtime pero hindi nito binanggit kung sinu-sino ang mga hosts na involved.


“Kung ikukuwento ko ba pinagdaanan at iniyak ko sa kanila, magbabago ba tingin n’yo sa 'kin?


“Pero hindi naman ‘yun ang intensiyon ko na kumuha ng simpatya o makisali lang sa gulo. Naglabas ako ng saloobin ko dahil baka sakaling makatulong na may maayos o mabago na sitwasyon.


“Kasi ganu'n naman ang pamilya at kaibigan. Tatapikin ka kapag alam mong sumosobra o medyo nagkakamali na. Hindi po ako naghahanap ng kaaway, ang pagkakabura po ng post ko ay management decision, tunay at bukas sa isip at puso ko ang sinabi ko, payapa ang aking kalooban.”


Mula sa netizen na si @jaysonlacsonmendoza, “Baka sakaling makatulong? Being in silence is already a big help. Sana ‘di ka na nakisawsaw lalo na galing ka mismo sa show na ‘yan at malaki ang naiambag nila sa 'yo. Better be in silence para ‘di ka ma-misinterpret. Understood?”


Mula naman kay @shinecaillo, “Kung meron kasing issue sa kanila, bakit hindi mo kausapin, bakit kailangang dumagdag sa ingay ng paligid? Alam mong magulo at itinuturing mo silang pamilya, bakit hindi mo kausapin privately para kung anong ‘di pagkakaunawaan sa pagitan n’yo, eh, maayos, hindi ‘yung dagdag ka sa gulo ng paligid.”


Ganito rin ang sabi ni @achi_sobam, “You should have talked to Vice if you think there's something wrong in what they did, hindi 'yung idinaan mo sa socmed (social media), it’s like asking for attention and igniting a fire.”


Pati content ni Nikko sa kanyang YT channel ay napansin, “Akala mo talaga, kung makapagsalita, ang linis-linis. Content mo, una mong punahin, ul*l! Puro ka kamanyakan at ginagamit ang bakla-baklaan. Kahit nu’ng nasa It’s Showtime ka pa, bastos ka na. Ilang beses silang napahamak dahil sa 'yo.”


Sabi rin ni @tin_tinay01, “Lalo mong pinalala, Nikko. Ano'ng palagay mo, ikaw ang tama at sila ang mali? Hindi lang si Vice ang may desisyon nu’n. Ang galing mo naman at nagmalaki ka pa na payapa ang kalooban mo. Kasura ka, hindi ganyan ang tunay na pamilya at kaibigan, uy.”


Actually, napakaraming komento pa, kaya bago namin natapos sulatin ang post ng aktor ay isinara niya ang comments section.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page