ni Jasmin Joy Evangelista | September 20, 2021
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pilot implementation ng face-to-face classes ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Sinabi ito ni Roque sa ginanap na Palace briefing ngayong araw.
Ayon sa mga opisyal ng Department of Education (DepEd), 120 paaralan ang isasalang sa pilot testing kung saan 100 dito ay public schools habang 20 naman ang private.
Ang mga napiling paaralan ay kabilang sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19 at iyong mga nakapasa sa readiness standards ng DepEd at DOH.
Matatandaang ang DepEd dry run ay isasagawa sana sa mga unang buwan ng taon ngunit kinansela ito ni Pangulong Duterte dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Kommentare