ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | December 28, 2023
Matagal na akong nagmamaneho at napapansin ko ang nakasulat sa mga pampublikong sasakyan at mga truck ang tungkol sa bilang at timbang ng mga maaari nilang isakay sa kanilang sasakyan. May limitasyon ba patungkol sa rami at bigat ng mga tao o bagay na ikakarga o isasakay sa mga sasakyan? Salamat sa inyong magiging tugon. – Ton
Dear Ton,
Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 32 at Seksyon 33 ng Republic Act (R.A.) No. 4136 o ang “Land Transportation and Traffic Code,” na nagsasaad na:
“Section 32. Exceeding registered capacity. - No person operating any vehicle shall allow more passenger or more freight or cargo in his vehicle than its registered carrying capacity. x x x
Section 33. Passenger or freight capacity marked on vehicle. - All passengers automobiles for hire shall have the registered passenger capacity plainly and conspicuously marked on both sides thereof, in letters and numerals not less than five centimeters in height.
All motor trucks, whether for passenger or freight, private, or for hire, shall have the registered passenger gross and net weight capacities plainly and conspicuously marked on both sides thereof, in letters and numerals not less than five centimeters in height.”
Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ipinagbabawal ang sinuman na magsakay sa kanilang sasakyan nang sobra sa kung ano ang kanilang rehistradong kapasidad na kayang isakay tulad ng dami ng tao o timbang ng freight at cargo. Ganoon din, lahat ng pampublikong sasakyan at motor trucks na pampasahero o tinatawag na freight, kahit ito ay pampubliko o pampribado, kinakailangan na ipaskil sa kanilang sasakyan ang kanilang rehistradong kapasidad ng pasahero o net weight. Nais din namin ipaalam sa inyo na ang paglabag sa nasabing batas ay may karampatang parusa na nasasaad sa Seksyon 56 at Seksyon 57 ng R.A. No. 4136.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
Commentaires