ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | May 26, 2022
Nitong Martes, sinimulan ng National Board of Canvassers ang pagtatala ng boto para sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo.
Kabilang tayo sa Senate contingent na bumuo ng NBOC. Ang iba pang kasama sa NBOC ay sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Minority Leader Franklin Drilon, Sens. Pia Cayetano, Imee Marcos, at Grace Poe.
Ang contingent naman ng House of Representatives ay binubuo nina Majority Leader Martin Romualdez, Cavite Rep. Crispin Remulla, Cavite Rep. Abraham Tolentino; Pampanga Rep. Juan Bondoc; Negros Occ. Rep. Juliet Ferrer; Ilocos Sur Rep. Kristine Singson-Meehan; at AAMBIS-OWA Partylist Rep. Sharon Garin.
Makakaasa ang ating mga kababayan na hindi natin mamadaliin ang proseso ng canvassing.
☻☻☻
Samantala, nitong Lunes naman ay ipinasa ang isang panukalang batas na nagtatakda na bigyan ng lifetime validity ang birth, death, at marriage certificates na iniisyu ng Philippine Statistics Authority o ng National Statistics Office.
Ipinasa sa third and final reading ang Senate Bill No. 2450, o ang Permanent Validity of the Certificates of Live Birth, Death, and Marriage Act.
Sa tulong ng panukalang batas na ito, hindi na mapeperhuwisyo ang ating mga kababayan na paulit-ulit nag-a-apply ng mga papeles dahil sa hindi malinaw ang period of validity ng mga ito.
Ibig sabihin, bawas-gastos, at hindi na mapipilitang magsayang ng oras ang mga estudyante't manggagawa sa paulit-ulit na pagkuha ng mga papeles na ito.
Nauna nang nagpasa ang Lower House ng counterpart bill nila, kaya umaasa tayong sa lalong madaling panahon ay maisabatas na ito.
☻☻☻
Lubos ang ating pagkalungkot sa pagpanaw ni "Queen of Philippine Movies" Susan Roces.
Hindi naging acting para kay Tita Susan ang pagiging mabait at matulungin sa kapwa, bagkus ay totoong pagkatao niya.
Tita Susan, maraming salamat po sa pagkakaibigang ipinamalas mo sa aming pamilya. Isang bansa ang nagdadalamhati sa pagpanaw ninyo.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments