top of page
Search
  • BULGAR

Lider ng rally, na-kickout sa iskul sa USA… KUYA KIM, PROUD SA ANAK NA LAMAN NG FOX NEWS, NEW YORK POST, ETC.

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 27, 2024



Showbiz News


“I’m proud of her,” ito ang pahayag ni Kim Atienza sa kanyang 19-year-old daughter na si Eliana Atienza na naging kontrobersiyal noong nakaraang buwan dahil sa pagsali sa isang anti-Israel protest sa Pennsylvania.


Matatandaang naging laman ng iba’t ibang pahayagan and online news sa United States of America (US) si Eliana last May dahil sa pag-ban sa kanya at sa 5 pa niyang classmates sa University of Pennsylvania kung saan sila nag-aaral.


Ayon sa report, sinuspinde si Eliana at ang mga classmates dahil sa pagsali sa mga anti-Israel protests. It was also reported na na-kick-out din ang anak ni Kuya Kim sa dorm na tinutuluyan nito dahil dito.


Sa panayam ni Ogie Diaz sa veteran broadcaster sa kanyang vlog na Ogie Diaz Inspires, sinabi niyang proud siya sa kanyang anak at bagama’t magkaiba sila ng stand ay inirerespeto niya ang pananaw nito.


“Ito kasing anak kong si Eliana, Ogie, aktibista, palaban. Hindi ko nga alam (kung bakit) naging ganyan ‘yan kasi sobrang talino n’yan, nakapasok on her own sa University of Pennsylvania,” pagmamalaki ni Kuya Kim.


“Nu’ng ‘andu’n na siya, naging very active sa student movement. Meron siyang org du’n na environment. Environmentalist, eh, si Eliana, pumanig sila o tutol sila sa patayan na nangyayari sa Palestine ngayon. So, naging very vocal siya ru’n,” kuwento ng weather broadcaster.


Pero hindi raw niya alam na si Eliana pala ang leader ng grupo at akala lang niya ay one of the protesters lang.


“Hindi ko alam na s’ya ang leader, s’ya ang nagsasalita, s’ya ang nagsasalita sa press. Alam mo naman, giyera ‘yan, sinampol siya. Dinisperse ‘yung kanilang rally,” kuwento pa niya.

At nagulat na lang daw sila na halos araw-araw ay laman na ng balita ang anak niya at pati nga rin ang kanyang pamilya.


“Kinabukasan, nasa New York Post na kami, tapos nu’ng hapon, nasa Washington Post, tapos nandu’n na kami sa Fox News. Sampung minuto ang ibinigay kay Eliana at sa pamilya ko sa Fox News,” aniya.


Ayon kay Kuya Kim ay hindi naman daw krimen ang ginawa ng anak niya at ipinaramdam din naman daw nila kay Eliana ang suporta ng buong pamilya.


“Tinatawagan ko palagi and I tell her that I’m always there for her, that I’m proud of whatever she stands for. Kasi magkaiba kami ng stand, eh. Pero dahil ‘yun ang sa kanya, I respect her right to be able to say what she wants to say and be brave about it,” ang pahayag ni Kuya Kim.


“At bilib ako sa kanya,” pagmamalaki pa niya sa kanyang anak.

When asked kung ano naman ang sabi ng lolo ni Eliana na si former Manila Mayor Lito Atienza, sagot ni Kuya Kim, “Ganu’n din. Sabi niya, ‘Eliana, in my 65 years in politics, never akong na-feature sa mga diyaryong ‘yan. Congratulations.’”

Natatawa si Kuya Kim Atienza habang ikinukuwento ito at nagkatawanan na lang sila ni Ogie Diaz.


 

TAMA nga si Dimples Romana sa sinabi niyang hindi pa niya nagawa in her past projects ang role niya ngayon sa teleseryeng High Street ng Dreamscape Entertainment.


Ginagampanan ng aktres sa nasabing serye ang role na Victoria Soler o Tori at kung sa mga unang episodes ay hindi pa masyadong malinaw ang kanyang karakter, recently nga ay ini-reveal na that isa pala siyang kontrabida na magpapahirap sa buhay ni Sky (Andrea Brillantes).


Nabanggit ni Dimples sa mediacon ng High Street na isa talaga ito sa dahilan kung bakit niya tinanggap ang serye.


“Kasi kilala ang Senior High for dropping bombs here and there and now and tomorrow. Now for my character, it has to mean something at some point and dapat ‘yung hindi ko pa nagagawa dati,” aniya.


Sa takbo ng kuwento ngayon ay hindi pa alam ni Sky at ng nanay nitong si Tania (Angel Aquino) ang tunay na pagkatao ni Tori na patuloy na nagbabait-baitan para maisakatuparan ang masamang plano niya.


Abangan kung paano dahang-dahang gagawing miserable ni Tori ang buhay ni Sky sa tulong ng mga kasabwat niyang sina Wesley at Nikki (Harvey Bautista at AC Bonifacio).


Mapapanood ang High Street gabi-gabi, 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page