top of page
Search
BULGAR

Licensure exams ng mga guro, i-online na; kumbinyente na, iwas-COVID pa!

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | October 06, 2021


Ang mga guro ang mga limot na bayani sa paaralan. Hindi matatawaran ang kanilang kontribusyon sa paghubog sa kaisipan ng ating kabataan. Agree?


Eh, 'di ba, nga sa panahon ng pandemya, mas matindi ang kanilang sakripisyo? Mahirap kaya maging titser! Malaking hamon ang maging guro ngayong may pandemya. Sobrang pagod sa kanilang mga webinars, lesson plans, distribusyon ng mga modules, at tumutulong pa sila tuwing eleksiyon.


Bukod d'yan, eh, buwis-buhay sila sa pagtupad sa tungkulin bilang mga guro dahil bantad pa silang matamaan ng nakamamatay na COVID-19 virus. At 'yung mga nag-a-aspire namang maging guro, namemeligro rin silang matamaan ng virus, lalo na't in-person pa rin ang pagkuha ng licensure exam.


Eh, ayon nga sa Civil Service Commission, delayed o naudlot ang exam ng mga guro sa first quarter ng taon dahil sa pandemya at bagama’t natuloy ito noong Setyembre, meron pa ring backlog.


IMEEsolusyon sa licensure exams ng mga guro, dapat namang i-fully digitize o gawing online na kasi! Takang-taka naman kasi tayo kung bakit kailangan pang in-person ang exam, alam namang may pandemya!


Take note, ha? Kapag hindi na-digitize agad ang licensure exam ng mga guro ngayong panahon ng pandemya, ang mga bagong gradweyt na ganado nang magturo ay mapipilitang maghintay hanggang 2023 para makakuha ng exam. Tapos na ang rehistrasyon para sa mga kukuha ng exam sa 2022 at limitado ang bilang nila dahil kailangan ng physical distancing.

Sa ganang atin, exam lang naman yan na puwedeng-puwedeng gawing online talaga. New normal na tayo at napaka-convenient na kumuha ng online exam kahit saan tayo nandun, at makatitipid pa sa pamasahe.


As per CSC, first semester ng 2022 ipu-push ang pag-digitize sa licensure exam. Pero reminder lang, ha? 'Wag naman sanang mag-ala-pagong sa bagal ang pagkakasa niyan dahil makababawas 'yan sa pinu-push ng ating pamahalaan na gumawa ng mas maraming trabaho ngayong may pandemya. At naku, ha? Baka magdulot pa ito ng shortage o kakulangan ng mga guro. Huwag naman sana, plis lang!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page