ni Madel Moratillo @News | July 31, 2023
Kinalampag ni Davao City Cong. Paolo Duterte ang mga kapwa mambabatas na maaksyunan na ang inihaing panukala na gawing libre ang licensure examinations sa bansa.
Ang House Bill 4927 o Free Professional Examinations Act ay noong Setyembre 2022 pa inihain nina Duterte at Benguet Rep. Eric Yap pero nakabinbin pa rin hanggang ngayon.
Layon aniya ng mga pagsusulit na makita ang kaalaman ng mga ito at hindi ang kanilang pinansyal na kalagayan.
Sakaling maging ganap na batas, sakop nito ang mga pagsusulit na ibinibigay ng Professional Regulation Commission (PRC), Civil Service Commission (CSC), at maging ang Bar Examinations.
Kung maging batas, ang mga indigent na estudyante ay kailangan lang ng certification mula sa Department of Social Welfare and Development.
Kommentare