ni Fely Ng @Bulgarific | Jan. 25, 2025
Hello, Bulgarians! Prepare to go beyond borders with unbeatable travel deals and exclusive offers at the 32nd Travel Tour Expo (TTE).
Sa nakalipas na tatlong dekada, itinatag ng TTE ang sarili bilang ultimate travel and tourism event. Ang edisyon ng taong ito ay nangangako na malampasan ang mga nakaraang event, na nagtatampok ng higit sa 300 exhibitors at inaasahang higit sa 100,000 ang bilang ng mga dadalo.
Mula sa abot-kayang mga flight hanggang sa mga curated tour package at luxurious accommodation, ang TTE ay may nakahanda para sa bawat badyet, at dahil ang event ay pinaghandaan ng Philippine Travel Agencies Association (PTAA), ang mga dadalo ay magkakaroon ng pagkakataong makakuha ng expert travel advice at samantalahin ang mga eksklusibong deal para sa parehong domestic at internasyonal na adventure.
Binigyang-diin ng pangulo ng PTAA na si Evangeline Tankiang-Manotok ang mga pakinabang ng pakikipagtulungan sa mga professional travel agencies. “This is the perfect spot to avail of amazing deals, explore new destinations, and plan your dream getaway. Bring the whole family there’ll be games, raffle prizes, and fun for everyone during the three-day event,” sabi niya.
“The great thing about the TTE is you will find everything under one roof -- airlines, resorts, cruise tours, and more. So many options to choose from and you can even opt to pay by installment, depending on your bank,” dagdag pa ni PTAA PRO Chal Lontoc-del Rosario.
Ang mga tiket sa TTE ay P100 para sa general admission at P80 para sa mga senior citizen at mga indibidwal na may kapansanan.
Gaganapin ang 32nd Travel Tour Expo sa Pebrero 7-9, 2025, sa SMX Convention Center.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.
Kommentare