ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | March 19, 2023
Lubha nang nakakaalarma ang impact ng oil spillage na naganap sa Oriental Mindoro noong Pebrero 28.
Hanggang ngayong araw na sinusulat ang pitak na ito, hindi pa rin nalilinis ang oil spill, na malaki ang posibilidad na umabot sa Batangas at Palawan kung walang mangyayaring organized action para supilin ito.
Ayon sa University of the Philippines Marine Science Institute, aabot sa higit 20,000 ektaryang coral reef, 9,900 ektarya ng mangrove at 6,000 ektarya ng seagrass and maaaring maapektuhan.
Bukod pa ito sa fish kill o pagkalason ng mga isda na maaaring mangyari dahil sa kontaminasyon ng tubig.
☻☻☻
As of March 15, 31,497 na pamilya sa MIMAROPA at Western Visayas ang naapektuhan ng oil spill base sa datos mula sa Office of Civil Defense (OCD).
Ayon naman kay Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor, tinatayang aabot sa 100,000 residente ng probinsya ng Mindoro ang naapektuhan.
Dagdag pa niya, higit sa 100 residente na rin ang nagkaroon ng respiratory-related symptoms at nakaranas ng pagsusuka at pagtatae.
☻☻☻
Naniniwala tayong time is of the essence, at kailangan ng collective action from both government at non-government groups para maagapan at huwag nang lumala pa ang sitwasyon lalo na't ilang libong pamilya at kabuhayan na ang apektado.
Isa sa maaari nating gawin ay ang gamitin ang assistance facilities ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at gamitin din ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng pamahalaan para tumulong sa paglilinis.
Bukod sa mga mangingisda, maaari nating maging katuwang ang mga displaced tourism workers, community-based organizations, at iba pang mga naapektuhan ang kabuhayan para sa cleanup at paglalagay ng mga barriers na makakatulong sa pagbawas sa environmental impact at public health risks na kaakibat ng oil spill.
Hindi lang ito localized na problema— SOS call na ito.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments