top of page
Search
BULGAR

Libu-libong OFW apektado ng entry ban sa Taiwan at Hong Kong

ni Jasmin Joy Evangelista | January 19, 2022



Tinatayang nasa mahigit 5,000 OFWs napa-Taiwan at mga nasa 2,000 Pilipinong nagtatrabaho sa Hong Kong ang hindi makaalis ng bansa dahil sa entry ban ng mga nasabing bansa.


Mula pa noong Mayo 2021 ay may entry ban na sa Taiwan para sa migrant workers, habang kabilang naman ang Pilipinas sa 8 bansang may flight ban sa Hong Kong.


"Two weeks 'yung sinabi po ng Hong Kong government dahil po iniiwasan nila 'yung surge. Alam niyo po kasi magcha-Chinese New Year eh, so itong Chinese New year kasi eh spreader ito. Ganu'n din sa Taiwan ano, kaya nga ang pagbubukas nila after the Chinese New Year. Ito din ang inaasahan ng bansang Hong Kong," ani POEA Administrator Bernard Olalia.


Ayon sa POEA, nasa 40,000 ang job vacancies sa Taiwan.


Samantala, nakikipag-ugnayan ang Pilipinas sa Hong Kong at Taiwan para siguruhin na susunod ang mga OFW sa lahat ng protocols oras na tanggalin ang ban.


Sa Hong Kong, kailangan ng vaccination card at negatibong RT-PCR test 2 araw bago ang biyahe at may kasamang 20 araw na compulsory quarantine at 6 pang COVID-19 tests.


Sa Taiwan naman, kailangan ng 14-day quarantine pero kailangan din ng 2 araw na pre-departure quarantine sa Pilipinas.


Ayon pa kay Olalia, hindi dapat mag-alala ang mga OFW sa gastos dahil sakaling hindi pumayag na sagutin ng Taiwanese employers ang expenses ay sasagutin ito ng agency.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page