ni Thea Janica Teh | December 8, 2020
Bukas na tuwing Linggo ngayong buwan ng Disyembre ang Pasig River Ferry Service (PRFS), ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon sa inilabas na pahayag ng ahensiya, “Passengers can now enjoy FREE ferry rides from Monday to Sunday from 6 a.m. to 6 p.m.”
Ito ang ilan sa mga istasyon na handa nang maghatid ng mga pasahero araw-araw:
Pinagbuhatan at San Joaquin sa Pasig City;
Guadalupe sa Makati City;
Hulo sa Mandaluyong City;
Lambingan, Sta. Ana, Polytechnic University of the Philippines (PUP), Escolta at Lawton sa Manila City
Pinaalalahanan naman ng MMDA ang lahat ng pasahero na kinakailangan pa ring tingnan ang temperature at ugaliin ang pagsusuot ng face mask at face shield na parte ng strict enforcement ng health at safety protocol laban sa COVID-19.
Bukod pa rito, sa loob ng ferry boat, kinakailangan din na magsagawa ng physical distancing at sumagot sa commuter information sheet bago sumakay.
Comentários