top of page
Search
BULGAR

Libreng sakay sa MRT3 mula Marso 28 hanggang Abril 30 — P-Du30

ni Lolet Abania | March 22, 2022



Libre ang sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) mula sa Marso 28 hanggang Abril 30, 2022, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Martes.


“I’d like to announce, (Department of Transportation) Secretary Art Tugade and I, we decided that the MRT-3 rides will be free from March 28 to April 30, 2022,” pahayag ni Pangulong Duterte sa ginanap na seremonya para sa completion ng MRT-3 Rehabilitation Project na pinondohan ng gobyerno ng Pilipinas at ng Japan International Cooperation Agency.


Magdiriwang naman si Pangulong Duterte ng kanyang kaarawan sa Marso 28. Ang MRT-3 ay tumatakbo mula North Avenue sa Quezon City hanggang Taft Avenue sa Pasay City.


“I am pleased to join you today for the timely rehabilitation completion ceremony of the MRT-3. It is proof that we are keeping our momentum in improving our national road system, which aims to deliver quality service to the Filipino people, and respond to the emergence of the new normal,” ani P-Duterte.


Pinasalamatan din ng Pangulo ang Japanese government sa kanilang ibinigay na assistance para sa proyekto. “Our train system would not have returned to its original high grade design condition without the technical competencies and professional aid of our service providers from Sumitomo Corp. and Mitsubishi Heavy Industries,” saad ng Punong Ehekutibo.


“With the joint efforts of these companies and the DOTr, we’ve increased our train speed from 25 km/ hour to 60[km]/hour, while the time interval between train arrivals has improved to 8 to 10 minutes,” sabi ng Pangulo.


Mula sa 12 hanggang 15 operating train units kada araw, ayon kay Pangulong Duterte mayroon nang 18 hanggang 22 train units na available sa ngayon. “This progress will decrease, if not altogether, stop the number of unloading incidents in our stations,” dagdag pa niya.


Kabilang din sa nakumpletong rehabilitation project ay ang upgraded signaling, communications at CCTV systems, repair ng lahat ng station escalators at elevators, at ang matagumpay na instalasyon ng air conditioning units sa loob ng mga tren.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page