top of page
Search
BULGAR

Libreng sakay sa MRT3, extended hanggang Hunyo 30 — DOTr

ni Lolet Abania | May 25, 2022



Inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapalawig ng isa pang buwan ng libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ngayong Miyerkules.


Sa isang virtual press briefing, sinabi ni MRT3 general manager Mike Capati na ang mga pasahero ng railway line ay patuloy na masisiyahan dahil sa serbisyong free rides na hanggang Hunyo 30, anumang oras ng kanilang operating hours mula alas-4:40 ng umaga hanggang alas-10:10 ng gabi.


Matatandaang unang ipinatupad ang libreng sakay noong Marso 28 hanggang Abril 30 kasabay ng selebrasyon ng pagkumpleto ng rehabilitasyon ng MRT3. Na-extend pa ito hanggang katapusan naman ng Mayo upang makatulong na mabawasan ang financial burden ng mga commuters sa gitna ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.


Ang pagpapalawig ng free rides ng MRT3 ayon kay Capati, “aims to continue helping commuters ease their financial burden amid inflation and rising fuel prices.” “This will allow the MRT3 to further test its capacity and performance in accommodating up to or more than 350,000 passengers,” saad pa niya.


Binanggit naman ni Capati na nakapag-record ang railway line ng 15,730,872 total ridership mula Marso 28 hanggang Mayo 24, na may average weekly ridership na 315,334. Nai-record din ng MRT3, ang kanilang pinakamataas na ridership na umabot sa 351,592 noong Mayo 20.


Ayon pa kay Capati, naka-set na ang four-car CKD trains na kayang mag-accommodate ng hanggang 1,576 pasahero na kanilang ide-deploy para madagdagan ang kapasidad nito, kumpara sa karaniwang three-car train sets lamang.


Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page