top of page
Search
BULGAR

Libreng sakay sa MRT, LRT at PNR sa mga bakunado… Public transport, tuloy kahit ECQ

ni Lolet Abania | August 2, 2021



Mananatili ang mga pampublikong transportasyon sa National Capital Region sa kabila ng pagsasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20.


Ayon kay Department of Transportation (DoTr) Assistant Secretary Goddes Libiran, inirekomenda ng pamunuan ng ahensiya na manatili ang kasalukuyang supply at kapasidad ng public transport sa capital region sa gitna ng mas mahigpit na lockdown.


Gayunman, sinabi ni Libiran na may restriksiyon para sa mga pasahero na mas mahigpit na ipapatupad upang masigurong ang mga authorized persons outside of their residence (APOR) lamang ang papayagang sumakay sa mga public transport na mandato ng Inter-Agency Task Force (IATF).


“But, whatever the decision of IATF will be, we will abide,” ani Libiran. Matatandaan na nu'ng unang ipinatupad ang ECQ sa NCR noong Marso 16 hanggang Mayo 14, 2020, ipinagbawal ang pampublikong transportasyon.


Nang isailalim uli ang NCR sa ECQ noong Marso 29 hanggang Abril 11, 2021, ang mga empleyado sa essential at non-essential sectors ay pinayagan na mag-report physically sa trabaho at mayroong public transportation sa limitadong kapasidad lamang.


Ang Metro Manila ay isasailalim uli sa ECQ mula Agosto 6 hanggang 20 dahil sa banta ng Delta COVID-19 variant. Samantala, anianunsiyo ni DOTr Secretary Arthur Tugade ngayong Lunes na ang mga nabakunahan na APOR kontra-COVID-19 ay libre ang sakay sa Metro Rail Transit 3 (MRT-3), Light Rail Transit 2 (LRT-2) at the Philippine National Railways (PNR) mula Agosto 6 hanggang 20.


Sa inilabas na statement ni Tugade, kailangan lamang ng mga APORs na iprisinta ang kanilang vaccination cards kung fully vaccinated na o kahit nakatanggap pa lamang ng unang dose para ma-avail ang libreng sakay.


“Ang inisyatibong ito ay napagkasunduan ng buong Kagawaran ng Transportasyon upang makatulong sa pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan ng ating mga kababayan, at upang matulungan ang gobyerno na mahikayat ang ating mga kababayan na magpabakuna,” ani Tugade.

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page