ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Dec. 22, 2024
Dagsa na ang mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya ngayong Kapaskuhan.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), mahigit 32,000 pasahero na ang naitala nilang bilang sa mga pantalan noong Biyernes.
Sa kabuuang bilang, mahigit 20,000 ang outbound passengers habang mahigit 12,000 naman ang inbound.
Ininspeksyon din ng nasa 2,747 deployed frontline personnel mula sa 16 na PCG districts ang 172 barko at 73 motorbancas na maglalayag.
Samantala, mula Lunes hanggang Huwebes, umabot na sa halos 700,000 ang mga pasaherong dumaan sa PITX.
Bukod dito, inaasahan na kabuuang tatlong milyon na pasahero mula Disyembre 20, 2024 hanggang Enero 6, 2025.
Pinapayuhan naman ang mga pasahero na iwasan ang pagdadala ng matutulis na bagay at flammable objects tulad ng baril at paputok.
Ibayong pag-iingat sa lahat ng uuwi sa kani-kanilang mga probinsya.
☻☻☻
Malaking tulong naman ang ginawang libreng sakay sa MRT-3, LRT Lines 1 at 2 noong Biyernes.
Nakabawas kasi ito sa gastusin ng mga pasahero ngayong Kapaskuhan.
Bukod dito inanunsyo rin ng pamunuan ng MRT at LRT na magkakaroon sila ng extended hours mula December 16 hanggang 23.
☻☻☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!
FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comentários