ni Lolet Abania | December 27, 2022
May libreng sakay sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa Biyernes, Disyembre 30, 2022, sa Rizal Day, mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi, ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA).
Aalis ang first trains mula Recto at Antipolo Station ng 5AM, at ang last train mula Antipolo Station ay aalis ng 9PM habang 9:30PM naman mula sa Recto Station.
“Ang libreng sakay ay bilang pakikiisa ng [Light Rail Transit Authority] sa mga Pilipino sa paggunita at pag-alala sa kabayanihan ni Gat Jose Rizal,” ayon sa LRTA.
Gayunman, paalala ng LRTA sa mga pasahero na patuloy na isagawa ang health, safety, at security protocols upang maiwasan pa rin na tamaan ng COVID-19 infection at makaranas ng anumang sakuna.
Comments