top of page
Search
BULGAR

Libreng eksaminasyon upang makapasok sa pribadong kolehiyo

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 14, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Dahil sa aking pagpupursige, nakapagtapos ako ng senior high school kahit kami ay mahirap lamang. Nais ko sanang makapag-aral sa isang pribadong unibersidad, at sa awa ng Dios, mayroong mabuting tao na nag-alok na tumulong na magbayad sa aking matrikula. Ang kailangan ko lang gawin ay maipasa ang entrance exam para makapasok sa kolehiyo. Ang mga magulang ko ay nag-aalala dahil papalapit na ang pagpasok ko sa kolehiyo ngunit wala kaming kakayahan na bayaran ang entrance examination fee. Maaari bang makuha ang nasabing eksaminasyon nang libre sa pribadong unibersidad? Nais ko sanang maliwanagan.  Maraming salamat. — Gie


 

Dear Gie,


Ang pag-unlad ng sektor ng edukasyon ay isa sa mga pangunahing prayoridad ng ating pamahalaan. Dahil dito, sinisikap ng ating gobyerno na repormahin ang pamamahala sa mga kolehiyo upang maging angkop sa mga pangangailangan ng mga maralitang mag-aaral.  


Nakasaad sa Seksyon 2 ng Republic Act (R.A.) No. 12006 o mas kilala bilang “Free College Entrance Examinations Act” na:


“Section 2. Declaration of Policy. - It is hereby declared the policy of the State to protect and promote the right of all citizens to quality education at all levels and to democratize access to quality tertiary education.  In line with this declared policy, and in cognizance of the need to assist disadvantaged students that show potential for academic excellence, the State shall exempt qualified graduates and graduating students from payment of entrance examination fees administered by private higher education institutions (HEIs).”


Ayon dito, ang mga kuwalipikadong nagtapos at magtatapos na mga mag-aaral ay hindi na isinasali sa pagbabayad ng mga eksaminasyon para makapasok sa mga pribadong institusyon ng kolehiyo. 


Kaya naman, maaari kang malibre sa pagkuha ng nabanggit na eksaminasyon kung mapatutunayan mo na ikaw ay pumasa sa mga kuwalipikasyon na itinakda ng batas. Ang mga kinakailangan para sa pribilehiyong ito ay nakalahad sa Sekyon 5 ng batas:


“Section 5. Eligibility Requirements. - A graduate or graduating student shall be eligible for the waiver of college entrance examination fees and charges upon the satisfaction of the following qualification and requirements:


(a)The graduate or graduating student must be a natural-born Filipino citizen;

(b) The graduate or graduating student must belong to the top ten percent (10%) of his or her graduating class;

(c) The graduate or graduating student must belong to a family whose combined household income falls below the poverty threshold as defined by the National Economic and Development Authority or cannot afford in a sustained manner to provide for their minimum basic needs of food, health, education, housing and other essential amenities of life duly certified as such by the Department of Social Welfare and Development;

(d) The graduate or graduating student must apply for college entrance examination to any private HEI within the country; and

(e) The graduate or graduating students must satisfy all other requirements as specified by the private HEI concerned.


Base rito, kailangan na ikaw ay isang natural born na Pilipino, kabilang sa nangungunang sampung porsyento (10%) ng iyong klase base sa iyong mga marka, at kabilang sa isang pamilya na ang pinagsamang kita ay mas mababa sa limitasyon ng kahirapan na tinukoy ng National Economic and Development Authority o base sa sertipikasyon ng Department of Social Welfare and Development na hindi kayang tustusan ang inyong mga pangunahing pangangailangan. 


Kinakailangan din na dumaan ka sa proseso ng aplikasyon sa iyong piniling pribadong unibersidad dito sa Pilipinas at matugunan mo ang lahat ng iba pang mga kinakailangan o requirements ng nasabing unibersidad o kolehiyo. 


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page