top of page
Search
BULGAR

Libangan na puwedeng pagkakitaan ngayong may pandemic

ni Justine Daguno - @Life and Style | July 19, 2020




Napatunayan ng marami sa atin na ang pagkakaroon ng extra income ay sobrang mahalaga lalo na ngayong panahon ng krisis. ‘Ika nga, “Kung hindi ka didiskarte, siguradong nganga.”

Imbes na magpakalugmok sa pandemya at umasa na lamang sa ayuda, marami sa atin ang sinimulan na ang kani-kanilang negosyo—online selling man ito o may puwesto. Nice!


Well, para sa mga ka-BULGAR nating nag-iisip o nagbabalak pa lamang magsimula ng negosyo, puwede simulan ito online, at narito ang ilang ideya namin para sa inyo:

  1. SALON-AT-HOME. Kung marunong kayo ng hair cutting, hair styling o hair coloring, may alam din kayo sa pagma-manicure o pedicure at iba pa, bakit hindi n’yo i-try ang salon-at-home? Kontratahin muna sina ninang, tita o iba pang kumare at ka-chismisan ng nanay ninyo. Char! Magsimula muna sa mga kakilala hanggang kapag oks ang gawa ninyo, puwede na kayong tumanggap ng mas maraming kliyente.

  2. COACHING, CONSULTING, ETC. Puwede ninyo itong gawin kapag propesyunal talaga kayo sa specific field. Halimbawa, nag-work kayo sa bangko o financial firms, may “K” kayo mag-coach o magpayo tungkol sa finance ng mga kliyente. Gayundin sa ibang industry, tulad ng information technology, graphic designing, fashion at iba pa. Dahil sa ganitong business, hindi lamang talent ang iiral, kundi skills din at technicality.

  3. FOOD/PASTRY. Sa mga mahilig magluto o mag-bake naman d’yan, ito na siguro ang business na swak sa inyo. Simple lang, magluto o mag-bake lang ng mga specialty mo, gawan ng magandang photo shoot at i-post sa social media! Kung medyo shy type kayo, sa mga kakilala o friends na lang muna magbenta, tapos maglambing na tulungan kayong i-promote ang business n’yo.

  4. PRELOVED CLOTHES/ITEMS. Oks din mag-business ng mga preloved na damit o items online. Kung sa palagay ninyo ay marami-rami na ang laman ng closet ninyo o may mga bagay kayong nabili pero hindi nagamit o minsan lang nagamit, ibenta n’yo na lang kaysa itapon. Good ito dahil kumita na kayo, mapakikinabangan pa ng iba ang gamit ninyo.

  5. ARTWORKS. Kapag talented naman kayo sa pagdo-drawing o paggawa ng mga artworks, oks din ‘yan pagkakitaan. I-post n’yo lang iba’t ibang social media platforms ang mga gawa ninyo, maraming groups ngayon sa socmed ang tumutulong sa mga artist natin na i-promote o i-showcase ang mga gawa nila.

  6. RIDESHARE DRIVER. Puwede n’yo rin gamiting pang-extra income ang inyong sasakyan. Puwede kayong mag-post online para maging rideshare driver o ‘yung maghahanap ng kasabay. Sa panahon ngayon na pahirapan ang transportasyon, hindi lamang ito extra income, kundi malaking tulong din sa iba. Pero mas okay kung sa mga kakilala muna para safe.

Ilan lamang ‘yan sa maraming online business na puwede ninyong subukan o gawin. Sa totoo lang, maraming online business ang nagsulputan ngayon na kung iisipin, marami kayong puwedeng maging makakumpitensiya. Pero for sure, kahit paunti-unti ay siguradong lahat naman tayo ay kikita kaya ‘wag mawalan ng pag-asa. Patience is a virtue, ‘di ba?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page