top of page
Search
  • BULGAR

LIAN, KULANG SA EBIDENSIYA, INIATRAS ANG ANNULMENT KAY PAOLO

ni Nitz Miralles @Bida  | June 9, 2024



Paolo Contis

Ibinalita sa DWIZ ang pagwi-withdraw ni Lian Paz ng annulment case that she filed against Paolo Contis. Ang kakulangan daw ng ebidensiya ang rason kung bakit mahirap ma-annulled ang kasal ng dalawa.


Iniyakan daw ni Lian ang desisyon niyang bawiin ang annulment case na isinampa niya laban kay Paolo. Ibig sabihin nito, sila pa rin ang legal na mag-asawa kahit matagal nang hiwalay.


Ibig sabihin pa rin, hindi puwedeng magpakasal sina Lian at John Cabahug na siyang tumatayong ama sa dalawang anak nila ni Paolo. Hindi rin puwedeng magpakasal si Paolo sa babaeng gugustuhin niyang pakasalan habang hindi pa annulled ang kasal nila ni Lian.


 

For a change, puro positive ang nabasa naming comments sa post ni Pancho Magno tungkol sa moving up day ng anak nila ni Max Collins na si Skye. Magkasamang dumalo sina Pancho at Max na ikinatuwa tiyak ng anak nila at may bago silang family photo.


Sa caption ni Pancho na: “Congratulations to our Baby Ig boy @skyecollinsmagno. We are so proud of you! Love you!” sinundan ito ng comment ni Max na: “Yayyyy.” 


Mababasa rin ang comment ng mom ni Pancho na si Redgie Magno na “Congratulations Skye. Love you.. Congrats too to both of you @magnopancho @maxcollinsofficial.”


Pinuri ang co-parenting setup nina Pancho at Max at pinuri rin na kahit hiwalay na, hindi sila nagsisiraan. Kaya, may mga nag-wish na sana, magkabalikan pa rin sila, mas sasaya raw ang anak nila kung sila ay magkakabalikan.


Pati nga ang mga netizens, natuwa na makitang kumpleto ang parents ni Skye. But this is not the first time na nagkasama at nakumpleto ang pamilya ni Skye dahil sa last birthday ng bagets, magkakasama rin sila. Dumalo si Max sa bigay na birthday party ni Pancho sa kanilang anak.



 

                                                                             

Ayaw tantanan si Barbie Imperial ng hate comments at napapansin namin na tuwing may bago siyang post, lagi ring may comment na “Mas maganda pa rin ang legal wife.” Hindi naman siguro iisang tao lang ang nagko-comment ng ganito dahil iba’t ibang pangalan naman ang nababasa namin.


Wala pa ring sagot ang mga supporters ni Sarah Lahbati sa tanong ng supporter naman ni Barbie na bakit hate na hate nila ang aktres, hindi naman siya ang cause ng breakup nina Sarah at Richard Gutierrez.


Legit ang tanong na ito na dinededmang sagutin ng mga supporters ni Sarah at pinipilit

ng iba na mali ang pagpatol ni Barbie kay Richard dahil bukod sa may asawa ay may dalawa pang anak. Para raw sinabi ng nag-comment nito na bawal na ring makipagrelasyon si Sarah dahil may dalawang anak.


In fairness, marami ang nagtatanggol kay Barbie at kahit ano pa raw ang sabihin ng mga bashers niya, maganda pa rin siya at siya ngayon ang exclusive na idine-date ni Richard. 


Ang payo nila kay Barbie, ‘wag pansinin ang mga bashers at dapat, lagi siyang nakangiti para mas maasar ang mga ito. 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page