by Info @Editorial | Dec. 29, 2024
Habang papalapit ang pagsalubong sa Bagong Taon, dumarami naman ang bilang ng mga biktima ng paputok.
Ang mas nakababahala, pawang mga menor-de-edad ang pangunahing nadadale.
Kaugnay nito, inatasan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang local government units (LGUs) na maghigpit sa mga paputok at iba pang pyrotechnics.
Nanawagan sa mga LGU na maglabas ng mga ordinansa at iba pang regulasyon na nagbabawal sa publiko.
Dapat din umanong higpitan ng mga LGU ang paggamit ng paputok sa mga community fireworks display places.
Inatasan din ang Bureau of Fire Protection (BFP) na tiyaking ligtas ang mga fire exhibition safe zone.
Maging ang Philippine National Police (PNP) ay dapat magsagawa ng inspeksyon, pagkumpiska at pagwasak sa mga ilegal na paputok at pyrotechnic devices.
Apela naman sa publiko, iwasan ang paggamit ng ilegal at mga mapanganib na mga paputok. Para sa mga magulang, plis lang bantayan ang mga anak kung ayaw nating mauwi sa trahedya ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Maraming paraan na ligtas at masayang maipagdiriwang ang Bagong Taon, huwag nating piliin ang mga bagay na magiging banta sa ating kaligtasan.
Comentarios