top of page
Search
BULGAR

LGBTQIA+ couples, nakiisa sa exchange of vows

ni Lolet Abania | February 13, 2022



Marami ang nakiisa na mga LGBTQIA+ couples para sa isinagawang ceremonial exchange of vows sa Quezon City.


Kasabay ng pagdiriwang ng buwan ng pag-ibig, ang naturang event ay sinaksihan ni Mayor Joy Belmonte.


Sa Facebook page ni Belmonte nitong Sabado, nai-share ng alkalde ang mga larawan mula sa event, kung saan ang mga naturang magsing-irog ay nagpapalitan ng kanilang sumpaan habang ibinabahagi ang kanilang matamis na pagmamahalan sa isa’t isa na sinaksihan naman ng marami nilang kaanak at mga kaibigan.


“Love has no limits. Love is universal. Love wins, always,” caption ni Mayor Joy.


“Pagbati at isang mahigpit na yakap sa mga magkasintahang LGBTQIA+ na nagpalitan ng kanilang panata ng pagmamahalan ngayong araw!” dagdag pang post.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page