top of page
Search
BULGAR

LEE SEUNG-GI AT CHAVIT, MAGTATAYO NG LITTLE SEOUL SA METROWALK

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 27, 2023



Dumating kahapon dito sa 'Pinas ang sikat na South Korean singer na si Lee Seung-Gi sakay ng private jet ni former Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.


Sinalubong ng entertainment press si Seung-Gi sa Platinum Skies Aviation Hangar around 6 PM kagabi na sinundan ng short mediacon kung saan natanong ang singer tungkol sa naging pahayag ni Gov. Singson na magkakaroon sila ng partnership para sa balak gawing little Seoul dito sa 'Pinas.


Bago kasi dumating si Lee, nakapanayam na namin si Gov. Chavit at sinabi nga niya sa amin ang magandang balita na magkakaroon sila ng partnership ni Lee Seung-Gi na kinuha niya hindi lang bilang ambassador kundi investor na rin para sa itatayo nilang little Seoul sa Metrowalk, Pasig.



Ang ganda ng naisip ng LCS Group of Companies ni Gov. Chavit, dahil imbes ang mga Pinoy ang magpunta sa South Korea, parang ang SK na ang dadalhin niya sa 'Pinas.


Bukod diyan, tiyak na maraming mabibigyan ng trabaho at magbibigay din ng opportunity sa mga Filipino talents na gustong maging K-Pop stars.


Yes, totoo! Kinumpirma ni Gov. Chavit na magde-develop sila at magte-training ng mga Pinoy para makabuo ng mga all-female and all-male groups na mala-K-Pop stars at dadalhin nila ang mga 'yun sa Korea. Oh, 'di ba, ang bongga?!


At sa lahat ng 'yan ay katuwang ni Gov. Chavit si Lee Seung-Gi na kanyang business partner.


Kaya nga sa mga Lee Seung-Gi fans tulad ng aming kumareng Vinia Vivar, good news talaga na mapapadalas na ang pagpunta ng singer dito sa 'Pinas para sa uumpisahan nilang negosyo ni Gov. Chavit.


Anyway, going back to Lee Seung-Gi, tinanong nga namin ito kung handa na bang magsimula ng kanyang career dito sa 'Pinas tulad ng paggawa ng movies, concerts, etc..


Actually, may concert ngayong Sabado si Lee Seung-Gi sa New Frontier Theater.


Sagot naman ni Seung-Gi thru his interpreter, iniisip na nilang mag-record siya ng Filipino song para sa kanyang mga fans. At tungkol naman sa paggawa ng movie, open din siya rito pero wala pa silang maisip na babagay na leading lady sa kanya kaya abangan na lang natin.


Basta, exciting ang mga nakaplanong gawin ng LCS Group of Companies ni Gov. Chavit para sa ating mga kababayan kaya sana matuloy lahat 'yan.


 

Nadala na sa nangyari sa kanila ni Macky

SUNSHINE, SECRET NA ANG LOVE LIFE



Inamin ng looking young and fresh pa ring si Sunshine Cruz na masayang-masaya ang puso niya ngayon.


Yes, mga Ka-Bulgar!


Pero kung iniisip n'yong isang bagong pag-ibig o lalaki ang nagpapasaya kay Sunshine ngayon, nilinaw at idiniin niyang ang patuloy na magandang showbiz career at ang kanyang mga anak ang nagpapasaya sa kanya.


In love ngayon si Shine sa kanyang trabaho lalo't kasama siya sa first collaboration series ng GMA-7, ABS-CBN, Dreamscape Entertainment and Viu na Unbreak My Heart na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia at Joshua Garcia.


Super excited si Shine sa bago niyang role bilang kontrabida dahil ngayon lang daw niya gagawin ito.


In fact, sa teaser pa lang ng Unbreak My Heart, isa na ang confrontation at sampalan scene nila ni Jodi sa mga kaabang-abang lalo't tinawag niyang "kabit" ang aktres.


Gaganap kasing misis ni Richard Yap sa series si Shine at magkakaroon naman ng relasyon sina Richard at Jodi.


Kuwento ni Sunshine, kinakabahan talaga siya tuwing kaeksena si Jodi dahil alam niyang magaling na aktres ito.


Sa isang sampalan nga raw nila, talagang nasaktan siya sa pagdapo ng kamay ni Jodi sa kanyang mukha na ikina-out of balance pa niya.


Kaya natatawa niyang sabi sa amin, 'di puwedeng hindi niya galingan 'pag kaeksena si Jodi dahil ayaw na niyang ma-take 2 pa ang sampalan at masakit.


Samantala, when asked naman kung ready na ba uling magmahal ang aktres, parang biglang napaso si Sunshine at ang sagot, "As much as possible, I don't really wanna talk after what has happened in the past.


I am 45, siguro 'wag na tayong magpabebe when it comes to love life, 'di ba?


"So kung may dumating, dumating. Kung wala, wala. Pero it's something I wanna keep to myself starting ngayon."


Ahhh, okay. Pero teka, true ba na bumabalik daw sa kanya ang ex-BF niyang si Macky Mathay?


Napakunot-noo siya sabay sabing, "Unbreak My Heart, malapit na," at dinugtungan ng "I don't wanna talk about my personal life, sorry."


Okay, noted!


Anyway, mula sa direksiyon nina Emmanuel Quindo Palo and Dolly Dulu, Unbreak My Heart premieres on May 29 and airs from Mondays to Thursdays at 9:35 p.m. on GMA Telebabad, Pinoy Hits, I Heart Movies, and 11:25 p.m. on GTV. It is also available on GMA Pinoy TV and TFC.






0 comments

تعليقات


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page